^

PSN Opinyon

SoE Plus Health website sa Quezon City

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAGANDA ang sinimulang Health Website sa Quezon City na naglalayong palawakin ang serbisyong pangkalusugan sa lungsod. Ang nakatutuwa rito, ito ay sa pakiki­pagtulungan ng isang pribadong kompanyang gumagawa ng gamot – ang Unilab, Inc.

Bumabati po tayo kina QC Mayor Herbert Bautista, Vice Mayor Joy Belmonte at sa lahat ng bumubuo ng kon­seho ng lungsod.

Ano ba ang website na ito? Ito ay naglalayong mag­bigay, sa pamamagitan ng internet ng mga importanteng impormasyon sa neonatal at maternal care sa mga mamamayan ng lungsod.

Ayon sa kaibigan nating si Claire Papa, External Affairs Head ng Unilab, patuloy silang tutulong sa mga local government units upang mapagbuti ang ganitong­ uri ng serbisyo sa mga komunidad na lubhang kaila­ngan lalu na sa mga dahop na lugar.

Kung ang bawat korporasyong pribado ay makikipag­­tulungan sa gobyerno sa iba’t ibang mga proyekto, ma­giging mas mabilis ang kaunlaran ng ating bansa.

Ang programa ay nailunsad sa 5th Maternal and Neo­natal Health Summit at tinawag ng SOE o Seal of Excel­lence Plus. Ang mga lying-in clinics sa QC na gina­waran ng seal of excellence ay makakapagsumite sa pamama­gitan ng internet ng kanilang postpartum o pagi­ging sum­­­pungin ng isang nagbubuntis, at newborn profiles gamit ang mga database ng pamahalaang local.

Ang SafeBirth Lying-in Clinic, isang social enter­prise­ ay isa sa mga ginawaran ng Seal of Excellence Award at kabilang sa mga pilot sites ng SOE Plus. Ito ay nagbibigay ng abot-kayang halagang maternal at newborn services sa mga mararalita nating kababayan­. Wala ring problema kung walang pera dahil accredited ito ng PhilHealth.

Total and complete care ito mula sa panahon ng pagbubuntis hanggang maka­­panganak ang isang ina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with