^

PSN Opinyon

Kakasuhan na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA isang bagong paglalahad, kakasuhan ng homicide si Eliseo Aluad Jr. para sa pagpatay sa kanyang kinakasamang si Jonalyn Amba-an. Batay sa resulta ng imbistigasyon ng Special Investigation Task Group-Shaw (SITG-Shaw), si Aluad ang aksidenteng nakabaril kay Amba-an. Lumalabas na namagitan si Amba-an kina Aluad at isang grupo na nakaargumento. May baril umanong hawak si Aluad at aksidenteng pumutok nang agawin ni Jonalyn.

Napansin ko na hindi nagbibigay ng pahayag si Aluad sa mga kaganapan bago sila tinadtad ng bala ng mga tanod at pulis Mandaluyong. Ang alam ko lang ay may tama na nga si Jonalyn at itinatakbo na nila sa ospital. Hindi nga malinaw kung sino ang nakabaril kay Jonalyn. Nagtataka nga ako bakit tila walang bailta sa grupo na naka-argumento nila Aluad. Armado rin ba sila? Pero kailangan ding tanungin, patay na ba si Jonalyn habang dinadala sa ospital, o natuluyan na nang mabaril din ng mga pulis at tanod? May tama ba siya maliban sa tama sa ulo? Ano ang naging resulta ng SITG-Shaw dito? Sino ba talaga ang tunay na nakapatay sa kanya?    

Marami na ngang reaksyon sa balitang ito. Binabago na raw ang kuwento para sa kinalaunan ay maabsuwelto ang mga pulis. Kung si Aluad pala ang nakabaril kay Jonalyn, tama raw na “getaway” vehicle ang sasakyan nila. Pero tumatakas ba sila? Hindi ba tinatakbo si Jonalyn sa ospital. Paano magiging “getaway vehicle”? At may isa pang napatay sa pag-ulan ng bala, hindi lang si Jonalyn. Ilan lang ito sa mga reaksyon at tanong.  

Kakasuhan na raw ng “reckless imprudence resulting to frustrated homicide and double homicide” ang 10 pulis Mandaluyong at tatlong tanod. Tingnan na lang natin kung ano ang magiging resulta ng mga kasong iyan. Mga tanod, dahil wala naman silang karapatang maging armado, masama ang posisyon. Pero mga pulis? Ewan ko lang. Ilang beses nating narinig PNP chief Dir. Gen. Dela Rosa na trabaho lang ang ginawa nila, pumalpak nga lang. Kung kailan pa naman dumoble na ang sahod ng mga PO1.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with