^

PSN Opinyon

‘Salat,’ modus ng mga magnanakaw sa pier at terminal

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

BAGO pumutok ang Bagong Taon, muli naming ipinalabas sa telebisyon, Youtube at website ang isang classic BITAG episode. Napapanahon dahil maraming nagsiuwian sa kani-kanilang mga probinsya. Huli sa lente ng aming kamera. Tirik na tirik ang araw pero lantaran ang kanilang modus at pagnanakaw.  “Salat” ang tawag sa kanilang estilo.

All points bulletin na rin para sa impormasyon ng nakararami. Matagal na ang episode na ito pero ang kanilang pamamaraan ay buhay na buhay pa rin sa kasalukuyan. Ang mga dorobo, sinasalat ang bagahe ng kanilang mga biktima. Kanya-kanya pa ng mga props para maisagawa ang pagnanakaw. Sa ignoranteng mata, aakalaing sila’y mga simpleng barker lang sa kalsada. Sa tuwing may mabibiktima, kukuyugin at saka isasagawa ang modus.

Mainit sa kanilang paningin ang mga may dalang maraming bagahe. Naidokumento ng aming grupo kung papaano ginagamit ang simpleng karton sa kanilang modus. Tatakpan ang puntiryang bag at doon sasalatin. Pag may nasalat na mamahalin, siguradong tangay agad. 

Kahit nahalata na sila ng kanilang mga biktima, ang mga ito ay patuloy pa rin sa pagsalat. Patigasan na lang ng sikmura. Walang magagawa ang mga nakursunadahan dahil grupo kung gumalaw ang mga ito. Palaruan at teri­toryo ng mga indibidwal na’to ang mga sakayan malapit sa pantalan at terminal. Maski ang mga inosenteng pasahero ng jeep, nananakawan nila ng gamit.   

Sa kabilang banda, maraming nagalit at nadismaya sa nasabing episode. Tutol sila sa paliwanag ng mga experto sa aktibidades ng mga taong ito. ‘Di rin nakatulong ang paliwanag ng kapulisan matapos amining alam nila ang kalakarang ito. Marami rin ang nagreklamo kung bakit hindi sila hinuli ng aming grupo. 

Tumatak na sa publiko ang imahe ng BITAG bilang tigasin at walang inuurungan. Alam namin ‘yon at alam na alam ko ‘yon. Trademark ng BITAG ang ganitong klase ng palabas. Real reality, ika nga. Maangas pero nasa lugar. Aminin man nila o hindi, hindi kaya ng ibang network ang ganitong estilo.

Pero hindi sa lahat bagay at sa lahat ng panahon umubra ang pagiging tigasin. Nanggaling na mismo sa bibig ng experto ang paliwanag. Sa murang edad pa lamang, exposed na ang mga batang salat sa edukasyon at pinansyal sa mga ganitong gawain. Sa mundo ng sikolohiya, sinasabing mataas ang potensyal na maging kriminal ang isang bata dahil iyon ang nakikita sa kapaligiran, lalo na sa mga magulang. Paulit-ulit nang sinabi ng mga dalubhasa iyan at alam na rin ‘yan ng nakararami. 

Ang kailangan gawin sa kasong ito ay tumbukin at solusyonan ang mismong sanhi ng problema – problemang ‘di basta mareresolba ng simpleng pag-aresto sa biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with