^

PSN Opinyon

Immigration Modernization Law

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

TUWANG - tuwa sa galak ang mga kawani ng Bureau of Immigration ng ihayag ni Boss Digong para bigyan daan ang mga nakolekta sa ‘express lane fees at charges’ ay ilagay sa isang trust fund para ibayad sa mga sahod at overtime ng mga empleado nito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kabilang aniya sa mga probisyon ng 2018 national budget ito na naging paksa ng pangulo pero may ilang mga kundisyon upang masiguro na “pare-pareho at tapat na pagpapatupad ng mga umiiral na mga batas, mga patakaran, at mga rules and regulations.”

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang trust fund na sasailalim sa mga alintuntunin ng Commission on Audit at ng Secretaries of Justice and Budget ay iiral hanggang ang kongreso  ay magsasabatas ng bagong Immigration Modernization Law para magkaroon ng pagkakataon na baguhin at dagdagan ang mababang sahod sa compensation system ng BI..

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naantig ang damdamin ni Boss Digong dahil nakita nito ang kalagayan ng mga kawaini ng BI na ‘first line of defense’ in securing our borders.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, masiadong mababa ang sahod ng mga taga - BI kaya naman karamihan sa mga ito noon ay nagbitiw at lumipat ng trabaho para matustusan ng mas maayos ang kanilang pamilya kaya nagkaroon nang malaking problema ang kawanihan noon mga nakaraan buwan.

Ang express lane fee ay ginagamit ng BI para sa kanilang trust fund ito ay mula sa mga binabayaran ng mga banyagang turista para mapabilis ang proseso ng mga documents nila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na veto ni Boss Digong sa 2017 national budget upang hadlangan ang BI employees mula sa paggamit ng express lane fees bilang pinagkukunan nila ngpondo at dahil dito marami ang nag-say goodbye sa nasabing ahensiya para maghanap ng kanilang bagong trabaho sa ibang tanggapan.

‘Matagal nang ginagawa ito sa BI ang tungkol sa express lane fees halos maraming taon na nila dito kinikuha ang kanilang karagdagan sahod bilang overtime.’ sabi ng kuwagong mangangalakal.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pagpasa aniya ng bagong Immigration Act ang sagot kanilang problema.

Nabiktima na, pinatay pa

SINIBAK ang police station commander at 10 kapulisan nito para sa isang malaliman imbestigasyon hinggil sa insidente ng pamamaril sa Mandaluyong City, yesterday.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagmistulang hayok sa pagpapaputok ng kanilang mga baril ang mga pulis at dalawang civilian na kasama nila sa inakala nilang suspects sa pamamaril sa Mandaluyong City.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang inakala suspek ng mga pulis sa pamamaril na sakay ng isang sasakyan ay ang biktimang bebot na nabaril sa awayan at kasama nito.

Ika nga, dadalhin dapat sa ospital ang babae para malapatan ng kaukulang lunas pero ito ang niratrat at napatay naman ng mga pulis sa pagaakalang sila ang mga suspects. Hehehe!

Ano ba ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi muna inalam mabuti ng mga ‘trigger happy’ na mga pulis ang sakay ng sasakyan nang ratratin nila ito.

Ika nga, naging pakaang-kaang sila!

Dahil sa command responsibilities sinibak sa puesto ang bagong upo sa kanyang trono dyan sa Mandaluyong Police Station si Sr. Supt. Moises Villaceran at mga pulis na sina Sr. Inspector Vasquez, PO2 Nel Songalia, PO1 Jave Arellano, PO1 Tito Danao, PO1 Julius Libuyen, PO1 Mark Castillo, PO1 Alberto Buag, PO1 Kim Tinbusay at PO1 Alfred Urbe.

‘Murder kaya ang kaso sa mga pulis na nakapatay sa dalawang inakala nilang mga suspects?’ tanong ng kuwagong naghihingalo.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with