^

PSN Opinyon

Environmentalist ba o oportunista

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ANG hirap talagang masukat ang pagmamahal sa kalikasan?

Para bang kailangan pang  maging aktibista pa para labanan ang pang-aabuso sa ating mga natural resources.

Registered environmentalist ka kung sumusunod ka  sa solid waste management?  Hindi ko nga maintindihan ito. Ang alam ko lang dapat simulan na natin ang ‘di paggamit ng straw at plastic at marami pang bagay na nakakasira sa ating kalikasan.

Baka naman kailangan na din magbisikleta para masabing totoo nga tayong mga environmentalist.

Pero minsan kaduda-duda din ang ibang self-proclaimed “enviromentalist” kuno, mas lalo na yung umaaligid dyan sa DENR.

Tulad na lang nitong isang grupo na nagrereklamo na hindi sila pinagbigyan sa parking sa DENR.

Gusto nila kasi mag-parking sa tapat ng opisina kesa maglakad ng malayo. Red carpet ba gusto nila? 

Kung totoong may malasakit ka sa kapaligiran hindi ba ihuhuli mo ang parking issue?  

Sabi nga, dapat nagbisikleta  na lang sila o kaya car pool sharing. 

Ayun, nagagalit ang kamote dahil hindi nabigyan ng parking na para sa mga ospisyal. 

May nagsabi na hindi nagamit ang ibang parking area noong panahon na yun dahil kasalukuyan may event sa ahensya, kaya wala rin maparkingan ang mga environmentalist. 

Dapat pasensya ang pinairal at hindi reklamo agad sa media tutal sa ibang mga araw naman ay iniintindi sila.  

Eh diba sa condo nga o kahit sa ospital, hindi ka makakaparking kapag may nakalagay na “slot reserved” at kailangan mo mag parking sa malayo? Ito ay reserba sa trahabador or doktor na nagtratrabaho sa lugar, kaya kung bisita ka, kailangan mo rin lumugar.  Kapag “environmentalist”   ang mga ito,  kailangan exempted ka sa rules?

Itong mga “environmentalist group” na ito ay magaling mag-ingay at magpuna ng mga pagkakamali ng ahensya. Pero nag-iingay sila lalo’t na kapag hindi nila nakukuha ang gusto nila. 

Hindi ba bullying na ang tawag d’yan?

Tila gusto rin ng “environmentalist group” na itong ng sarili nilang kapangyarihan sa DENR. Marahil totoong ang adbokasya  nila, pero meron din naman ang gusto ay hindi kita kung  hindi tulong sa  madlang people.

Ito kaya sila?

Ganito ang estilo ng “environmental group” na ito – una ay pupunahin nila ang mali ng ahensya. Tama naman na may ganitong paksyon para lahat ng mali ay maitama! 

Agree tayo dyan. Pero hindi naman para  lang sa bayan ang pagpuna nito. Ang dahilan sa pagpuna ay hindi sila napagbigyan sa mga hinihingi nila. 

Lalapit sila sa media para magingay.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with