^

PSN Opinyon

Permanenteng silungan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PALABAS na ang bagyong Urduja. Libong tao ang na-stranded dahil sa pagkansela ng mga biyahe ng eroplano at barko. Binaha ang maraming lugar sa Visayas. Nagdeklara ng state of calamity sa Tacloban at Ormoc, dahil sa malawak na pagbaha. Tatlo ang naitalang namatay, habang anim ang nawawala.

Habang palabas ang Urduja, may bagyong kasunod­ na maaaring pumasok sa bansa. Sa Visayas din ang malamang na dadaanan ng bagyo. May pangangaila­ngan na talaga ng mga permanenteng masisilungan ang mga tao kapag kailangang lumikas mula sa bagyo. Mga lugar na may maayos na matutulugan, may tubig at pagkaing nakahanda para sa ilang araw. Hindi na talaga uubra ang mga pansamantalang silungan na hindi naman dinesenyo para rito, tulad ng mga paaralan. Kung madalas tamaan ng bagyo, dapat may permanen­teng silungan na.

Sa US, partikular mga lugar na madalas tamaan ng malalakas at malalaking buhawi, may mga masisilungan­ ang mga pamilya sa ilalim ng lupa. Sa madaling salita, handa sila kung sakaling tumama ang buhawi sa ka­nila. Sa atin, bagyo naman ang problema. Kung ganyang tila sa Visayas na madalas tumatahak ang mga bagyo, dapat may mga permanenteng masisilungan na nga ang mga tao.

Kailangang maging mahigpit na rin ang gobyerno sa pagbabawal sa mga residenteng manirahan sa mga peligrosong lugar, tulad ng tabing dagat. Nakita ito noong Yolanda, kung saan maraming residente ang namatay nang maganap ang “storm surge”. Kung ang lugar ay kilalang nagbabaha kapag malakas ang ulan, huwag nang payagang tirhan ang mga ito. Mga lugar na maaaring tamaan ng pagguho ng lupa, huwag nang payagang tayuan ng tirahan. Ilang panukala lang ito, para mas maging handa ang lahat kapag may bagyo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with