^

PSN Opinyon

MMDA reporters kawawa naman

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Erratum - sa nakaraang kolum ng Chief Kuwago na may titulong ‘Dengvaxia laking disgrasiya,’ humihingi tayo ng despensa sa ating madlang readers dahil nailagay natin ang 73 million bata na may edad 9 pataas ang nabakunahan ng disgrasiya este mali Dengvaxia imbes na 73,000 lang.

Sabi nga, I’m sorry!

NAGMUMUNI-MUNI ang mga MMDA beat reporters para pag-usapan umano kung sasampalin este mali sasampahan pala ng reklamo ang isang mataas na opisyal ng MMDA na si Jojo Garcia, ang assistant general manager for praning este mali for operation pala ni MMDA chairman Danny Lim.

Bakit?

Sagot - binantaan diumano ang ilang MMDA beat reporters ni satsat este mali Garcia pala na ‘ipapatokhang’ umano dahil sa galit at napikon ito matapos may mga reporters daw na nagsusulat ng negatibo laban sa MMDA.

Sabi nga, dapat lang dahil palpak naman talaga sila.

Ika nga, ang ibang media sa MMDA ay dehins na kayang bilugin pa ang mga ulo porke alam nila ang nangyayaring kapalpakan dito.

Nakausap ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Joel Egco, head ng Presidential Task Force on Media Security ng Malacañang para alamin ang naging aksyon nito sa nasabing sitwasyon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naghihintay lamang ng pormal na reklamo si Egco sa mga reporters na naduro este natakot pala ni Garcia para umaksyon ang Malacañang tungkol dito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang buong akala yata ni Jojo ‘satsat’ este mali Garcia pala ay nag-deklara rin ng martial law sa Metro - Manila si Boss Digong kaya tinatakot na niya ang media o gusto niyang kontrolin ang mga ito para hindi magsulat ng negatibo.

Sabi nga, dapat ‘positibo’ intiende.

‘Hindi mo kayang patahimikin o takutin ang media sa kanilang trabaho para huwag magsulat ng negatibo sa anumang ahensiya ng pamahalaan’. sabi ng kuwagong matapang ang et-et.

Sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung walang kapalpakan sa ahensiya hindi naman susulat ang mga reporter ng mga negatibo laban sa inyo.

‘Teka pala nasaan na si Chairman Danny Lim mukhang hindi na naririnig ng madlang people ang boses nito at parang tatlo pa ang kinuhang taga-pagsalita ng kanyang ahensiya?’ tanong ng kuwagong nalilito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nanakot pa diumano si Garcia na kanyang ipasasama umano sa administration drug list names ng mga kontrapelo niyang media na sinasabi niyang pinasasama ang imahe ng kanilang office.

‘Mali kaya ang media na sumusulat ng negatibo sa MMDA kaya sila tinatakot o ipatotokhang?’ tanong ng kuwagong SPO- 10 sa Crame.

Mr. Garcia, trabaho lang ito at walang personalan. Solusyunan ninyo ang grabeng traffic sa EDSA mega parking area at sa iba’t ibang kalsada na hawak ninyo at huwag ang media ang takutin ninyo?

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with