^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Absuwelto si Faeldon pero daming kuwestiyon

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Absuwelto si Faeldon  pero daming kuwestiyon

INABSUWELTO ng Department of Justice si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon kaugnay sa P6.4 bilyong shabu na walang kahirap-hirap na naipasok at nailabas sa BOC. Isang kasamahan ni Faeldon ang inabsuwelto rin ng DOJ. Kinasuhan si Faeldon at kasama nito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa smuggling ng shabu. Ayon sa DOJ, walang probable cause ang kasong inihain ng PDEA kina Faeldon kaya inabsuwelto na ito.

Ngayong naabsuwelto si Faeldon, maaaring malimutan na ang istorya nang pinakamalaking shipment ng shabu na nagdaan sa Customs sa panahon ng kanyang pamumuno. Hindi biro ang dami ng shabu na maraming sisiraing kinabukasan.

Maraming kuwestiyon sa 605 kilograms ng shabu na napalusot sa Customs at nakapagtataka kung bakit mabilis na naabsuwelto si Faeldon at iba pang kasama nito. Ganito lang ba kabilis mapawalang-sala ang isinangkot sa shabu smuggling?

Ganito ang kuwento. Nakadaan ang shipment sa “green lane” o express lane sa BOC at humantong sa isang warehouse sa Valenzuela na pag-aari ni Ri­chard Chen, isang Taiwanese. Nangyari ang pagkakasabat noong Mayo 2017. Mismong ang China’s customs bureau ang nag-tip sa BOC ukol sa shipment.

Sa nangyaring pagdinig ng Senado noong Agosto, kinuwestiyon ni Sen. Panfilo Lacson ang BOC offi­cials kung bakit isang shipment lamang ang nahuli at ang tatlong iba pa ay hinayaang pinayagang mailabas.

Sa pagdinig naman sa Kamara noon, ginisa si Faeldon kung bakit hinayaang mailabas ang kargamento. Dapat ang PDEA ang may responsibilidad sa shipment ng droga at hindi ang sino pa man. Ayon sa PDEA nang tawagin sila para imbestigahan ang shabu, nailabas na ang container van at nakabu­yangyang na ang mga ito. Kinuwestiyon din si Faeldon kung bakit hindi nito kinasuhan si Chen gayung alam na ito ang may-ari ng warehouse. Nagpakuha pa sila ni Chen ng picture. Sabi ng mga mambabatas, maaaring nabawasan na ang mga shabu bago pa dumating ang PDEA.

Maraming kuwestiyon sa pagkakaabsuwelto kay Faeldon. Pero wala nang magagawa dahil nangyari na. Pinakamaganda ay maging maingat na lang si Customs Commissioner Isidro Lapeña para hindi malusutan ng shabu gaya nang nangyari kay Faeldon. Kakahiya dahil galit si Duterte sa illegal drugs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with