^

PSN Opinyon

Tagumpay ang ASEAN Summit

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KUNG dumanas man tayo nang mabigat na trapik sa EDSA at Roxas Blvd noong ASEAN Summit, naging­ matagumpay naman ito at maipagmamalaki. Ayon sa orga­nizers ng ASEAN, dahil sa pinaigting na pagpla­plano kaya naipatupad nila ang utos ni Pres. Digong na dapat ay “minimal ang public inconvenience.” Higit na mas madami rin ang kinailangan na asset para sa ASEAN. Bukod sa 60,000 na security force, nagdeploy din ng 22 armored cars na BMW, 394 motorsiklo, 220 patrol cars, 30 helicopters, 94 ambulansiya, at 44 fire trucks. Nagtanong din ako sa ilang establisimento at hotel kung saan ginanap ang mga miting at pagtitipon. Ayon kay Ms Annie Garcia, Presidente ng SM Supermalls, “Ito ang pinakamagaan na international event na aming nalahukan. Bukod sa magagaling at madali kausap ang mga pulis na aming nakapanayam, lagi silang available sa kanilang operations center sa One Esplanade upang sagutin ang aming katanungan. I could describe our PNP officers in three words, firm, professional, and charming”.

Ano nga ba meron sa ASEAN na wala sa mga nakaraang international events na kung saan ang ating bansa ang host. Marahil dahil nagkaroon tayo ng magaling na pinuno ng ASTF na nasubaybayan ang pagkapulis magmula pa ng siya ay hepe ng Chinatown sa Maynila noong dekada 90. Si Dir. Nap Taas, ang kaibigan na may taglay na galing at charisma na mapasunod ang mga kasama sa trabaho. Nang huli kong makita si Taas ay noong 2013 kung saan may nahuli siyang 44 kilos ng shabu sa Cavite. Si Taas ang nahirang noong 2006 ng pamunuan ng PNP na pa­ngunahan ang PNP Transformation Program. Sa dami ng magagaling na pulis bakit si Taas ang nahirang na pangu­nahan ang program ng pagbabago sa PNP. Umabot sa 51,000 pulis ang buong husay na tumalima kay Taas.

Sino ba namang pulis ang hindi susunod sa panawagan sa kanila ni Taas noong unang araw ng ASEAN Summit. Sabi niya “With the arrival of  the President of the United States of America, our bases are fully loaded. We now have in our hands the security and well being of  all the most powerful leaders in the world. We, members of the ASTF 2017, now have sole control of the world’s Center stage. We will not allow anyone to wrestle that away from us. For the next 4 days, keep that in mind and be proud that not many are given the same privilege and opportunity. As your ASTF commander, I will be with you every step of the way. Let us continue to communicate, remain predictable, and report anything out of the ordinary. May God bless us all!” Kumbaga sa symphony orchestra parang masterpiece talaga ang naipamalas sa ASEAN. Ayon pa kay Taas, “Conductor lang ako, ang higit na magagaling ay ang 60,000 na miyembro ng ASTF.” Sana naman kung hindi standing ovation, kahit palakpak lang bigyan si Taas at mga kasapi ng ASTF!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with