PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

EDITORYAL - Isabel at iba pang pasaway na motorista, parusahan

SA bansang ito ay maraming batas ukol sa trapiko. Kaunting paglabag lamang ay hahabulin­ na ng MMDA traffic enforcers, Higway Patrol Group o maski na ang mga local traffic enforcers­. Basta lumabag sa trapiko, tiyak na titiketan at pag­mumultahin. Kailangang ilapat ang batas. Kung hindi­ ganito ang gagawin sa lumabag na moto­rista, mamimihasa ito at paulit-ulit na gagawin. Lalakas ang kanyang loob na lumabag muli sa trapiko at paano kung sa paglabag na ito at makadigrasya na. Paano kung makapatay siya? Paano kung makapinsala siya ng ibang sasakyan o maka­bangga ng poste o electric post o haligi ng MRT o LRT. Kaya kailangang ipatupad at ilapat ang bangis ng batas sa lalabag sa trapiko.

Ganito ang ginawa ng beauty queen-actress na si Maria Isabel Lopez at iba pang motorista noong Sabado. Nilabag nila ang Republic Act No. 10913 nang walang anumang pumasok sa ASEAN lane para makaiwas sa mahabang trapik. Nagtakda ang MMDA ng ASEAN lane sa EDSA para sa mga pinuno ng ibang bansang dadalo sa summit mula Nobyembre 13-15. Bawal ang dumaan sa ASEAN lane sa mga oras na dumaraan ang mga pinuno at iba pang delegado. Ang pagsasara ng ASEAN lane noong Sabado ang naging dahilan nang ma­tinding trapik.

Ayon sa MMDA, inalis ni Lopez ang orange cone barrier na nasa ASEAN lane at walang  anu­mang dumaan doon. Nag-selfie pa ito. Dahil sa ginawa ni Lopez, nagsunuran ang iba pang moto­rista. Pero depensa ni Lopez, pinayagan daw siya ng MMDA. Pinabulaanan ng MMDA ang sinabi ng actress.

Ipatupad ang batas-trapiko kay Lopez at sa iba pang motorista. Kung hindi sila mapaparusahan­, uulitin ito. Para ano pa at may batas kung hindi ilalapat. Dito malalaman kung may ngipin ang MMDA at ang Department of Transportation (DOTr). Kapag hindi naparusahan ang mga pasaway, magiging katawa-tawa ang MMDA at DOTr. Imagine, marami ang nagsakripisyo sa trapik noong Sa­bado tapos mayroon palang makakalusot. Dapat parehas ang batas.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: