PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bantay salakay

Mahiwaga para sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang naging pagbabantay ng dalawang lespu na nagsilbing patong este mali security escorts pala ng mga anak na bebot ng convicted drug queen na si look pooh este Yu Yuk Lai pala dahil ‘impossible dream’ na hindi nila naamoy ang baho ng operasyon ng mga binabantayan nila sa haybol.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaila­ngan malaman kung nagkamal ng yaman ang dalawang pakner in crime para kung positibo sila ay dapat din silang ikulong at hindi lang tanggalin sa serbisyo dahil ito ang pinakamasamang nagawa nila sa gobierno at madlang pinoy kung totoo man na nagkaroon ng sampalan este mali sabwatan pala.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga banat ni General Bato kina PO3 Walter Vidad at PO2 Faizal Sawadjaan, parehong lespu na nakatalaga sa PNP Police Security Protection Group, na sasampahan nila ng administrative case ang dalawang ito.

Tirada pa ni Bato ang dalawa ay hindi raw nagbigay ng tara este mali nag-abiso pala sa kanilang superiors na sila ang nagbibigay ng proteksyon sa children ni Yu Yuk Lai.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bago bigyan ng police protection o security ang requesting party na bantayan sila porke may mga threat sila sa buhay ay ini-evaluate muna itong mabuti ng kanilang office sa Crame dahil baka panggagantso lamang ang gagawin ng requesting parties para lang masabing may mga bodyguard silang PNP.

Sabi nga, yabang lang!

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong mga nakaraan panahon sa PSPG binibigyan ng pagkakataon ang lahat ng mga taga - rito para makaroon ng po-proteksyunan para raw makaranas naman ang iba sa masarap na buhay na matitikman sa mga mayayaman nilang ginu-guardyahan.

Ika nga, dapat umiikot at may certain period lamang ang guardya para bigyan ng proteksyon ang kanilang mga amo.

‘Katulad ng nangyari ilang taon na ba ang dalawang lespu sa mga children ni Yu Yuk Lai?’ tanong ng kuwagong manglilinglang.

Ika nga, nagsilbing pipi, bingi at bulag sila mukhang humina ang kanilang intel networking?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa PSPG diumano ay may kalakaran din para mapunta sa mga juicy position na mga milyonaryong bibigyan ng proteksyon?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

‘Siguro para hindi tayo magduda dapat itong kalkalin mabuti.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malaki ang butas ga-balon ito at masiadong malalim imposibleng wala silang alam na ermat ng dalawang bebot ang kanilang sini-secure samantala dumadalaw pa sila sa Women’s Correctional.

‘Ano sa palagay ninyo madlang people dapat ba silang paniwalaan?’ Tanong ng kuwagong nabukulan.

Abangan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: