PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sipain ang mga abusadong pulis

HINDI na natin alam kung ligtas pa ba tayo ngayon sa ating lipunan. Mukhang marami sa ating mga kababayan ay wala nang tiwala sa kapulisan. Paano naman kasi sunud-sunod ang mga palpak na gawain ng ibang mga alagad ng batas. Meron nasasangkot sa pagpatay, kidnapping, mayroon pa rin nasasangkot sa droga at ang pinakamatindi ay ang hindi maubos-ubos na “kotong-cops”. Ang tanong nga ng ating mga kababayan, saan na sila puwedeng humingi ng tulong? Dapat pa ba silang magtiwala kay mamang pulis? Noong nakalipas na buwan may mga kabataang napatay na sangkot daw umano sa droga at ang iba ay nangidnap umano ng taxi driver at mga pulis ang nakapatay sa mga ito.

Nung simula pa lamang ang war on drugs ni Pres. Digong Duterte malaki ang tiwala ko sa kapulisan. Very good ang grado nila sa akin, kita n’yo naman kung paano ko sila purihin at ipagtanggol sa aking mga nakaraang kolum kaya lang nang lumaon napapansin kong marami na sa kanila ang abusado. Hindi porke’t sinasalo kayo ng mga nakakataas sa inyo ay umaabuso naman kayo sa inyong mga trabaho. Inilalagay n’yo na ang batas sa inyong mga kamay. May mga abusadong pulis na pinadala si PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa sa Marawi nung kasagsagan ng giyera laban sa Maute-ISIS. Ngayong tapos na ang labanan, bayani si mamang pulis pag-uwi niya rito sa Luzon.

Unfair naman kung lahatin ko ang mga pulis, siyempre mas marami pa rin sa kanila ang tapat at ginagampanang mabuti ang tungkulin, karapat-dapat lamang na ma-promote ang kanilang ranggo at kasama na rin ang pagtaas ng kanilang mga suweldo.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: