^

PSN Opinyon

Sugalan sa Calabarzon at Pampanga, talamak!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PANIS ang laway ni Calabarzon chief C/Supt. Ma O Aplasca pagdating sa talamak na illegal gambling sa kanyang nasasakupan. Ito ang kumakalat ngayon sa PNP Region 4-A mga suki. Ayon sa aking mga naka­usap walang saysay ang pagsibak ni Aplasca sa mga dating hepe ng Laguna, Batangas at Cavite dahil tuloy pa rin ang koleksiyon sa bookies ng Small Town Lottery (STL). Ang masaklap pa nito, nagpapatayan ang mga magkaribal na gambling operators na hindi man lang nareresolba ni Aplasca. Nagpipista naman ang pergalan sa nasasakupan ni Aplasca kaya maraming kabataan ang nalululong sa color games at hatak barok.

Kaya ang panawagan ngayon ng mga residente ng Calabarzon kay PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na pakilusin na ang mga tauhan ni CIDG chief Dir. Roel Ubusan upang makolekta ang timbre este malagas ang paghahari-harian ng gambling operators sa kanilang lalawigan. Sa ngayon, ang mga Doberman ni Ubusan ang mga kinakatakutan ng mga hepe ng PNP dahil sa super bangis nito. Ang one strike policy din ni Bato ang karay-karay ng mga birador ni Ubusan sa panana­lakay ng mga hindi pa nakatimbre, hehehe! Kung kaya maging ang gambling lords ay nagkukumahog na maging kaibigan ang mga tauhan ni Ubusan nang maging suwabe ang kanilang illegal activities. Sumbong sa akin, mukhang ayos na ang parating nina Don Ramon ng Quezon Pro­vince, Alvarez ng Laguna at Sezar Areza ng Cavite kay Aplasca at Ubusan kaya namamayagpag ang mga ito.

Kung sabagay hindi lang naman si Aplasca at Ubusan ang dapat sisihin sa patuloy na pamamayagpag ng gambling operators sa rehiyon. Dahil na rin sa pagbubulag-bulagan ng mga local official. Kung gugustuhin talaga ng mayors na matigil ang mala-jueteng na bola-bolang kamatis na nakapaloob sa prankisa ng STL at pergalan, madali lang. Ikumpas lang ang kanilang kinakalawang na kamay na bakal at malilinis na ang sugal na pinag-uugatan ng krimen. Ngunit hindi naman lahat ng pulis ni Aplasca ay nakikisawsaw sa activities ng gambling operators.

Nitong nagdaang araw lamang ay nagpakitang gilas si Supt. Joel Estaris nang salakayin ang tupada sa Dasmariñas. Sampung sabungero ang natiklo matapos ang habulan sa bukirin. Kaya ang iba rito ay nangudngod pa sa putik dahil sa pagtakas. Subalit mga tuso pa rin ang mga sabungero, kasi nga huli na sa akto, todo tanggi pa rin para makaiwas sa kalaboso.

Samantala, sa Pampanga, matapos makaraos sa bird flu  nagbalikan na naman ang sigla sa pag-aalaga ng manok. Iyon nga lamang, sa pag-aalaga naman ng sasabungin, hehehe!  Umaatikabo na naman ang sabong sa Sta. Ana,  San Luis at Arayat kaya pista na naman ang color games sa labas ng cockpit arena. Mukhang wala sa bukabularyo ni C/Supt. Amador Curpuz na walisin ang iligal na sugal. Kung malilipol ang color games at saklaan sa Pampanga tiyak makakaahon ang mga magsasaka na naapektuhan ng bird flu. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with