^

PSN Opinyon

Paghahanda

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

PUSPUSAN na ang paghahanda para sa pagdaraos ng ASEAN Leaders Summit sa susunod na linggo sa Maynila at sa Clark kung saan ito ay dadaluhan ng higit 10 pinuno ng bansa na sakop ng ASEAN at ang partners nito gaya ng United States, Japan, China at Korea. 

Maliban sa mga kailangang paghahandaan sa leaders conference mismo ay ang ukol sa seguridad ng mga de­legado lalo na at dadalo rin si US President Donald Trump. 

Sinisiguro rin ng mga awtoridad na maayos ang daloy ng trapiko habang ginaganap dito ang ASEAN meeting. 

Ngunit bago pa man ang mga pangyayari sa ASEAN dito sa Pilipinas ay magaganap naman ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Meeting sa Da Nang, Vietnam.

At dadaluhan din ni President Duterte ang nasa­bing APEC meeting kahit nga siya ang nangangasiwa sa gaganaping ASEAN Leaders Summit dito sa Pilipinas sa Nobyembre 12-14.

Tiyak na puspusan na rin ang paghahanda ng Presidente lalo na at mahalaga ang paksang pag-uusapan nito sa dalawang mahahalagang international meetings. 

At sa susunod na linggo ay ita-turn over na ng Pilipinas sa Singapore ang chairmanship ng ASEAN.

Tinanong ko nga si President Duterte kung ano ang strengths at weaknesses ng ASEAN at kung ano ang kaila­ngan pa nitong i-improve pagkatapos na may 50 years na ito. 

Ayon sa Presidente na sana sa darating pa na mga taon ang ASEAN ay maging mas “relevant” o napapanahon at ito sana ay magkaroon na rin ng importansiya sa mundo bilang isang grupo ng mga bansa. 

“Be relevant to the times and that it ‘be counted’’’, ‘yan ang tugon ng Presidente.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with