^

PSN Opinyon

Nakababahalang resulta

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAKABABAHALA ang resulta ng bagong survey ng SWS. Tinanong nila ang 1,500 tao kung hindi maiiwasan ang mamatay ang mga inosente, upang tuluyang mawala ang problema ng iligal na droga sa bansa. Nasa 45 percent ang sumang-ayon. Ibig sabihin, 45 percent ang tinatanggap na may mamamatay na mga inosente, mga walang kinalaman sa iligal na droga, para mawala na ang problema ng iligal na droga sa bansa. Alam ba nila ang sinasang-ayunan nila? Na kung may mapatay na inosente, kailangan iyon o hindi maiiwasan para mawala ang problema sa droga? Nasa 35 percent naman ang hindi sang-ayon sa hindi maiiwasang makapatay ng inosente para tuluyang mawala ang problema ng iligal na droga. Mga nag-iisip.

Paano pala kung mga mahal nila sa buhay, o kilala nila na wala namang kinalaman sa droga ang mapatay, okay lang sa kanila iyon, mawala lang ang problema sa droga? At paano pala mawawala ang problema sa droga, kung inosente pala ang mapapatay ng mga pulis o kung sinu-sino pa riyan? Para mong sinabi na para mawala na ang problema sa dengue, kailangan mapatay ang mga lamok na hindi naman kumakagat. Paano pala makakatulong iyon? Basta mapatay na lang lahat?  

Dito mo makikita na tila nagiging normal na ang ma­kapatay ng tao, basta’t may kinalaman sa iligal na droga, inosente man ang biktima o hindi. Hindi ba masa­ma ang pananaw na ito? Basta’t hindi ka apektado, o walang napapatay na kapamilya o kilala mo ay tanggap mo na hindi maiiwasan ang may mapatay na inosente? Kaya tanggap mo ang pagpatay kina Kian Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman, kahit mapatunayang inosente sila?

Pero nakikita ko rin na napapagod na ang tao sa araw-araw na patayang nababalitaan. May survey rin kung saan 54 percent ang hindi naniniwala na “nanlaban” ang mga suspek sa pulis nang mapatay. Kaya hindi ko maintindihan ang pag-iisip nitong mga sumang-ayon naman sa pahayag na inihain ng SWS. Hindi naniniwala na “nanlaban”, pero okay lang para mawala na ang problema sa droga?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with