^

PSN Opinyon

Zero crime naipatupad ni Albayalde

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAITALANG zero crime ang Undas 2017 at ito ay dahil sa kasipagan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Oscar Albayalde. Inubos ni Albayalde ang kanyang oras sa paglilibot sa limang police districts sa Metro Manila kahit na nagsusungit pa ang panahon. Bukod kasi sa 15 pulis na ipinakalat ni Albayalde sa lahat ng mga sementeryo nagtalaga rin ito ng mga pulis upang magpatrulya sa mga residential areas upang magbigay ng proteksiyon sa mga kabahayan na iniwan pansa­mantala ng mga nagsibakasyong pamilya na sinamantala ang long vacation. Maging ang mga kalyeng papasok at palabas ng mga sementeryo ay bantay sarado ng mga pulis katulong dito ang mga local enforcers kung kaya naging suwabe ang daloy ng trapiko.

Kung sabagay hindi naman ito maipapatupad ni Albayalde na mag-isa kaya malaki rin ang partisipasyon ng limang district directors. Bago pa man ang Undas nagpakalat na ng mga pulis si QCPD director Chief Supt. Guil­lermo Eleazar na nagresulta sa pagkaaresto sa kilabot ng Riding-in-tandem na responsible sa panghuholdap. Maging si EPD director Chief Supt. Romulo Sapitula ay naka-neutralized ng dalawang kilabot na riding-in-tandem matapos makaengkuwentro ng kanyang mga tauhan sa Tanguile St., Marikina Heights. Malinaw ito na nagtrabaho ang mga pulis upang masiguro lamang ang kaligtasan ng mga taga-Metro Manila. Tiyak aani na naman ng papuri si PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil naging­ mapayapa ang Undas, kaya kung gaganapin ang eleksyon ngayon tiyak matutupad ang pangarap ni Bato na magiging kahalili ni Pres. Rodrigo Duterte. Hehehe! Di ba mga suki?

Samantala, kung nakadama man kayo ng kunting ginhawa sa inyong paglalakbay sa Metro Manila nitong nakalipas na Undas, natural lamang ito mga suki. Kasi nga karamihan sa mga kababayan natin ang lumuwas ng Maynila upang samantalahin ang bakasyon. Ang masakit nito nagsikip naman ang halos lahat ng highways patungo sa mga lalawigan kung kaya inabot pagkabagot ang mga bakasyunista particular na diyan sa Laguna. Tila dedma o kawalang aksyon ang mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO) 4A at local executives sa lumulubong colorum.

Dahil dito, walang pagkakaiba, ayon sa mga motorista para kang nasa Manila at EDSA sa usad-pagong na daloy ng mga sasakyan palabas at papasok ng Calamba, Cabuyao, Sta Rosa at Los Baños, Laguna. Maging sa Cavite, gaya sa Imus, Dasmariñas at Bacoor, grabe ang trapik kaya ubos ang oras n’yo rito! Ang siste, kapag nagsasagawa kuno ang LTO mobile ng kanilang operasyon laban sa colorum, ay naku, busog ang bulsa at may take-home pa! Para sa kaalaman ng ating LTO official, ang mga pugad ng colorum ay nasa Festival Alabang, Muntinlupa, sa SM mall at Carmel Mall sa Canlubang, Calamba City, Target mall at SM mall sa Sta. Rosa City, Laguna, Bacoor City, Cavite, Cainta, Antipolo City, Rizal. Ang nakikinabang dito sa colorum ay Highway Patrol Group, LTO at mga galamay ng mga mayor na hawak ang dambuhalang parking lots ng big establishments. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with