^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Yosi rito, yosi roon

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Yosi rito, yosi roon

KAHAPON, sa mga pampublikong sementeryo, walang pakialam ang marami sa pagbubuga ng usok mula sa hinihithit na sigarilyo. Ano bang bawal-bawal ‘yan. Basta maninigarilyo sila at walang makapipigil sa kanila.

Kaya ang kautusang nagbabawal na manigarilyo sa mga pampublikong lugar ay hindi naipatutupad. Marami ang naninigarilyo sa plasa, palengke, terminal at iba pang mataong lugar gaya nga ng public cemetery.

May parusa at multa ang sinumang mahuhu-ling naninigarilyo. Maski ang mga may-ari ng establishment ay pagmumultahin kapag may nahuling naninigarilyo. Bawal ding magtinda ng sigarilyo sa mga malapit sa school o magbenta nito sa minor. Ang Executive Order na nagbabawal manigarilyo ay nilagdaan ni Pres. Rodrigo Duterte noong Mayo.

Pero naging dekorasyon na lang ang kautusan na ito. Walang nagpapatupad. Maski nakikita ng pulis na may naninigarilyo sa publikong lugar, hinahayaan na lang. Maski may nagbebenta sa menor-de-edad, balewala lang. Tila hindi alam ng pulis na bawal magyosi sa publikong lugar.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar ay upang makaiwas sa pagkakasakit ang mamamayan. Sinabi pa ng DOH na ang second hand smoke ay mas matindi ang epekto sa mga nakalalanghap nito. Kaya kung may naninigaril­yo sa bahay, inilalagay niya sa peligro ang mga kasama dahil nalalanghap ng mga ito ang usok. Ang mga sakit na nakukuha sa paninigarilyo ay hypertension, heart attack, stroke, cancer, lung disease at chronic obstruction pulmonary disease (COPD). Ang COPD ay panghabambuhay na sakit na kinapapalooban ng mahirap na paghinga.

Walang ngipin ang batas sa bansang ito. Maraming ipinapasang batas pero hindi ipinatutupad. Ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar ay nararapat ipatupad. Ito ang unahin ni DOH secretary Francisco Duque. Ipakita niya na hindi ningas-kugon ang DOH.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with