^

PSN Opinyon

‘Inggit lang ‘yan!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

UMARIBA na naman ang mga chuwariwariwap ng oposisyon, nang ideklara ni Pres. Rodrigo Duterte na ang kanyang bagong spokesperson ay si Kabayan Partylist Rep. Harry Roque. Tunog pagbati, subalit sarkastiko talaga ang ibig sabihin.

Nahubaran na raw ng maskara si Rep. Roque at lumabas na ang tunay na kulay nitong maka-administrasyon.

Kakaiba talaga ang mentalidad ng oposisyon, hindi pa man nakakaupo at nagsisimula ang kanilang kabarong kongresista sa bagong posisyon nito ay binabakbak na. Pilit na pinupulaan at sadyang ang gawain ay manira ng diskarte.

At dahil tumaas ang kanilang mga kilay sa personal na pagkakatalaga ng President ng Pilipinas, malamang ay taimtim nang nagdarasal ang mga inggeterong palaka ngayon.

Ang kanilang dalangin, pumalpak bigtime nang huwag­ maging epektibo at matagumpay na spokesperson itong si Rep. Roque.

Pinakamaingay ay itong si Albay Representative Edcel Lagman, karaming sinabi, kunwari’y sinsero pero ang totoo ay binubuwisit at iniinis lang kapwa kongresista. Tinawag niyang president’s apologist daw ngayon si Rep. Roque.

Dahil araw ng patay ngayon, ipaliwanag natin ng simple­. Tila inihahalintulad ni Rep. Lagman si Rep. Roque sa isang mortician o make-up artist ng mga malalamig na bangkay sa punerarya – ‘yung kahit patay na ay magmumukhang maayos o may kulay pa rin.

Ibig sabihin, ang papel ngayon ng pobreng bagong spokesperson ay ang pagandahin ang suwanget na paraan ng pamamahala at pabanguhin ang mabantot na pamumuno ni President Duterte! 

Marami pang iba diyan, maging ‘yung sariling party­list ng pobre, nagsalita laban sa kaniyang pagkaka-appoint. Iba talaga kapag may kasamang inggit, may kahalong paninira at pamemersonal na ang atake magiba lang ang target.

‘Yang mga ganyang ugali ang dapat ibinabaon sa lupa, 6–10ft below the ground para hindi na makahawa at makaimpluwensiya pa.

Malamang matatamaan ang mga kritikong ito kapag nag-umpisa nang bumuka ang bibig ni Rep. Roque bilang spokesperson. Kaya defensive na sila ngayon, tsk tsk tsk. Obvious na obvious ang galawang dilawan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with