^

PSN Opinyon

‘Giyera laban sa droga noon at ngayon’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NAGBABA kaagad ng konklusyon ang mga kontra-gobyerno na hindi raw mananalo ang giyera sa droga ni Presidente Duterte. Hindi epektibo kaya’t talo raw kasi ang pamamaraan ng administrasyon ni Digong sa laban nito sa droga.

Ayon sa kanila (sino pa nga ba), “the ends doesn’t justify the means”. Magaling, magandang pakinggan, tila nagbabalanse -- kwidaw ha, malalim ang nais nilang patungkulin dito, pailalim ang tira kumbaga.

Ang gusto kasing mangyari ng mga kritiko ng Presidente -- pulitiko, Simbahang Katoliko, bayarang trolls at maging media ay dapat na isentro ng gobyerno ang pagsugpo sa source o pinanggalingan ng iligal na droga.

Kung iisiping maigi, ganoon naman ang kasalukuyang ginagawa ng gobyerno. Pero malaki ang pinagkaiba ng lohika­ ng mga kolokoy na to sa layunin ng lider ng bansa.

Ang siste, nais kasi ng mga yellowtards na ituring na health problem lamang ang paggamit ng droga sa Pilipinas. Dapat daw gamutin ang mga gumagamit ng droga dahil biktima raw ang mga ito ng kahirapan at kapaitan  sa hamon ng buhay. Ang drama ano? Eh teka muna, bakit hindi n’yo ginawa ito noong panahon ni P-not  este P-Noy? O nasaan ang suhestiyon n’yo sa kung anong gagawin sa mga mahu­huling source o pinanggalingan ng droga?

Sana noon n’yo pa ginawa ang pinagsasabi, noong nakaupo pa ‘yung amo n’yo para malaman kung epektibo ang mga formulang kinakiyaw-kiyaw n’yo. Ang kaso kamo wala nga kayong ginawa at ang nakaraang gobyerno kung kaya’t lalong lumaganap ang problema ng droga sa bansa. 

Hindi pinagtuunan ng pansin noon ang mga sources at pinanggalingan ng droga kaya naging dismissive, permissive at highly tolerant ang kalakalan ng droga sa Pinas dahil binalewala ninyong mga nasa posisyon noon.

‘Yung pinagngungudngudan n’yong kasalukuyang batas laban sa droga eh ipinatupad din ba noon? Hindi! Pagkatapos ay nais n’yong ipamukha sa gobyerno ngayon? O ngayon, dahil iba ang nais ng Presidente - there is no room for tolerance, he hates drugs! Panay ang panggigiba ng oposisyon dahil sumasalungat ito sa mga nakatuwad na katwiran nila. 

Ito ang hubo’t-hubad na katotohanan, ang malaking pagkakaiba ng giyera laban sa droga ni P-Noy noon at ni Digong ngayon.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with