^

PSN Opinyon

‘Spot the difference: A leader and a trapo!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

RANDOM act of kindness, sino ba namang mag-aakala na sa kabila ng maanghang na bibig, pagiging prangka, sutil at matigas ang loob ay lubos na mahabagin din si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kahapon ng umaga, habang naghahanda ako sa aking programang BITAG Live ay napasadahan ko ng basa ang balitang dinalaw ni Presidente Digong ang mga preso sa Camp Bagong Diwa.

Sa maniwala kayo at sa hindi, ang pagkakabasa ko na sinabi ni Pangulong Digong ay “kawawa naman sila, kulang na ang mga libingan”. Dahil parte na ng aking buhay ang paghimay-himay ng impormasyon at pagbibigay ng analysis sa mga pangunahing isyu sa bansa, ikinagulat ko talaga ang balitang ito kaya nag-research pa ako lalo.

Natawa ako dahil “libangan” at hindi “libingan” ang tinu­ran ng Pangulo, tila nagka-dyslexia ako roon. Buti na lang mga bossing, ugali ko talagang mag-imbestiga nang husto kaya pasalamat ako sa Diyos walang kuryente kahit sa mga istoryang tinrabaho namin sa BITAG at KILOS PRONTO.

Eto na nga, nakakatuwa na naisipan ng Pangulong alalahanin ang kapakanan ng mga preso. Actually, hilig talaga niyang maglibot sa mga kulungan at ganoon din sa mga battle area katulad sa Marawi. Hindi niya alin-tana ang panganib sa kanyang buhay bilang pangulo, ang mahalaga, makita ng mismong kanyang mga mata ang sitwasyon, kondisyon at kalagayan ng kanyang mamamayan.

Hindi lahat ng magagaling na lider ay may ganitong katangian. ‘Yun bang may pakialam at tumutulong sa kapwa na hindi planado, hindi scripted, basta lumalabas na lang ang pagiging compassionate dahil galing ‘yun sa kaibuturan ng kanyang kalooban.

Malaking pagkakaiba sa mga trapo, may kakilala ako riyan, nagsalita lang sa isang conference ay nagbuhat ng sariling bangko. Ipinangalandakan ang bilang ng mga natulungan ng kanyang programa, kilala n’yo ba ang sinasabi ko? Kung hindi, sige panoorin n’yo yung BITAG LIVE program ko kahapon, nasa facebook page ng BITAG Live at website ng BITAG Media.

Spot the difference sa kanilang dalawa. Sabihin n’yo rin sa akin kung meron na bang naging Pangulo ng Pilipinas na gumawa ng ginagawang pagdalaw ni Digong sa mga kulungan. May kilala pa ako ulit, baka makaamoy lang ng anghit, hihikain na.

Sino? Aba’y nood ka na ng BITAG Live araw-araw, alas 8 hanggang alas-9 ng umaga sa PTV 4. Para hindi ka nahuhuli sa mga tunay na nangyayari sa bansa, tatalas din ang isip mo dahil sa aming mga news analysis

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with