^

PSN Opinyon

Umaatikabong palakpakan sa ‘war in Marawi’

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

THE END, na ang dalawang notorious na teroristang sinasabing ‘emir’ ng Southeast Asia ng international terrorist group na ISIS na sina Isnilon Hapilon ng Abu sayad este mali Sayyaf pala at Omar Maute, isa sa dalawang kamoteng lider ng Maute group.

Sabi nga, goodbye na sila sa earth!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangdamakmak ang natuwa kabilang ang mga kaparian sa nangyaring pagkamatay ng dalawang ugok.

Ika nga, peace be with you. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ngayon ay abala ang mga authorities sa pagkuha ng DNA test sa mga kamote.

Gayunman, sinabi ng kalihim na isasailalim pa rin sa DNA test ang mga labi ng dalawang terorista.

Bakit pa?

Sagot - may gantimpala kay Hapilon na P255 million galing sa US of A at siempre P10 million pa mula sa gobierno ng Philippines my Philippines bukod dito P5 million naman kay ma-uten este mali Maute pala.

‘Sinu-sino ang magpapartihan sa salaping ito?’ tanong ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sagot - kung sino ang mga nagsama-sama sa operasyon pero tiyak may nakakaalam kung sino ang nakayari kina Maute at Hapilon.

Ika nga, kung bomba mula sa eroplano ng AFP o baril ng sniper ng AFP o PNP dahil joint operation ang ‘giyera patani’ sa Marawi.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tiyak marami ang nagbubunyi ngayon ang mga may-ari ng mga bahay, building, negosyo echetera dahil naipaghiganti na rin ng militar ang nangyaring pagwasak sa kanilang lugar.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pangyayaring ito hihina ang mga addict na terorista dahil ang lider nila ay pinagsasaklaan na este mali inilibing na pala pero hindi pa dapat makasiguro ang mga taga - Marawi City porke dehins pa tapos ang bakbakan sa kanilang lugar.

Ika nga, kailangan ang complete clearing operations todits.

Anyway, natutuwa ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil nagtagumpay ang gobierno sa kanilang pakikipaglaban sa mga terorista kahit na maraming mga sundalo ang namatay din dito at sibilyan.

Sabi nga, condolences!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat na natin batiin ang mga ground commanders na nagpakahirap at nagbuwis din ng kanilang buhay para lagaputin ang mga terorista.

‘Kasama siempre ang mga sundalo sa battle zone!’ sabi ng kuwagong guerilla.

‘Ano ang susunod na hakbang?’

Sagot - hanapin at isama na rin sa dalawang kamote ang isang alyas Dr. Mahmoud tamad este mali Ahmad pala, na sinasabing financer ng Maute na up to now ay parang dagang nagsusumiksik sa isa sa mga building dyan sa Marawi City.

‘Ano na ang mangyayari sa martial law sa buong Min­danao?’ tanong ng kuwagong haliparot.

Sagot - martial law pa rin dahil ia-access pa ito ng militar bago nila sabihin kay Boss Digong na alisin na ito.

Abangan.

Milyonaryang smuggler sa Alabang

LAST Saturday binakbakan natin ang isang gaga este mali bebot pala na ubod ng yaman na nakatirik sa Ayala Alabang porke sinasabing kumita ito ng kuarta dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis sa gobierno mula sa kanyang mga inaangkat na general merchandises from China.

Naku ha!

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Grasya ‘palangana’ ang milyonaryang gaga este mali bebot pala. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang gaanong nakakakilala sa bebot maliban sa kanyang mga broker dahil hindi ito lumulutang sa Bureau of Customs.

Ika nga, bahala ang mga brokers niya kung may problema ang shipments niya sa bureau.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito dapat ang kapain para magbayad ng buwis sa BIR.

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago’.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with