^

PSN Opinyon

Revolutionary government banta ni Pres. Duterte

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ANG babala ni Presidente Duterte ay magdedeklara siya ng revolutionary government kapag hindi natigil ang mga destabilization plot laban sa kanyang administrasyon. Aniya, magsasanib ng lakas ang mga komunista at partido Liberal para pabagsakin siya.

Meron nga bang ganyang nilulutong balak ang mga kalaban sa politika ng Pangulo? Mismong ang kanyang Defense Secretary Delfin Lorenzana ang nagsabi na walang ganyang intelligence report na natatanggap ang pamahalaan.

At walang sino mang leader ang dapat mangamba sa destabilisasyon kungmalakas ang mass base niya kagaya ni Duterte na bagaman at dumausdos nang bahagya ang approval rating mula sa very good na naging good na lang, marami pa rin siyang supporters.

Pero sabi nga ng ilang political observers at mga eks­perto, ang isang leader na gustong maging diktador ay madaling makalikha ng scenario para bigyang husti­pikasyon ang pagdedeklara ng batas militar, pamahalaang rebolusyunario o ano man ang ibig itawag dito.

Iyan ang nangyari noong 1972 bago magdeklara ng martial law si Presidente Marcos. Mismong si dating Se­nador Juan Ponce Enrile ang umamin na ang pag-am­­bush­ sa kanya na ginawang dahilan ni Marcos para mag­proklama ng martial law ay isa lamang moro-moro o palabas.

Sinabi kamakailan ni Duterte na hindi na siya makikialam sa war on drug matapos niyang ipaubaya na lang sa PDEA ang operasyon kaugnay nito. Hindi kaya ang layunin nito ay para palabasing lulubha ang situwasyon sa droga, nagkakagulo sa bansa at may rason na siyang ideklara ang isang pamahalaan rebolusyunaryo? Nagtatanong lang naman tayo.

Simula pa nang maupo bilang Pangulo si Duterte ay may naghihinala na malamang na maging diktador siya tulad ni Marcos. May kaibigan ako na nagsabing magdedeklara si Duterte ng isang uri ng pamahalaan na katulad ng martial law pero tatawagin sa ibang pangalan. Ang nangyayari, parang inuudyukan lang ng Pangulo ang mga sector na bumabatikos sa kanya na  tangkaing pabagsakin siya. Huwag naman sana. At lalung huwag sanang gumawa ng malalagim na scenario na maghahasik ng ligalig sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with