^

PSN Opinyon

58 ang patay

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

UMABOT sa 58 ang bilang ng mga napatay ni Stephen Paddock na namaril mula sa 32nd floor ng Mandalay Bay Hotel sa Las Vegas. Higit 500 ang nasaktan, nang magkagulo nang magsimula ang putukan. Nagpakamatay rin si Paddock sa kanyang silid sa hotel. Pero ikinagulat ng mga pulis ang kanilang nadiskubre sa silid ni Paddock.

Natagpuan ang 67 baril, karamihan mga mahahaba at malakas na baril, libong bala at mga kagamitan para sa paggawa ng bomba sa kuwarto­ ni Paddock sa hotel at dalawang bahay sa Nevada. Higit 10 baril at napakaraming magasin ang nasa hotel. Lumalabas na planado ni Paddock ang krimen. Ayon pa sa mga pulis, naglagay pa ito ng sariling kamera sa hotel, para mabantayan ang mga lumalapit sa kanyang kuwarto. Higit 10 minuto siyang namaril sa mga taong nanonood ng concert sa kalsada. Paano naman naipasok ang maraming baril sa hotel? Wala bang pananagutan ang hotel dito, o legal ang magdala ng baril kahit saan sa Nevada? 

Hindi pa alam kung bakit niya ginawa ang pamamaril. Inako naman ng ISIS ang krimen, pero hindi pa ito tinatanggap ng mga awtoridad. Kakausapin din ang kinakasama ni Paddock, na isang Pilipina. Umalis ng US si Marilou Danley bago naganap ang krimen, pero bumalik na rin ng US. Inaasahan na may maitutulong siya sa im­bes­tigasyon. Wala namang kinalaman si Danley sa krimen. Hindi rin alam ng mga kapamilya ni Paddock kung bakit ginawa ang pamamaril. Wala raw indikasyon na may masamang binabalak. Ang alam lang ay mahilig sa sugal, bukod sa hilig din sa baril. Wala rin daw pakialam sa pulitika.

Sigurado iinit na naman ang debate tungkol sa “gun control” sa US. Pero kilalang taga-suporta ng karapatan na magmay-ari ng mga baril si President Trump. Wala nga siyang pahayag hinggil sa mga baril sa insidenteng ito. Malaki rin ang naitulong ng National Rifle Association (NRA) sa kanyang kampanya, kaya hindi ko inaasahan na may sasabihin siya hinggil sa gun control, tulad ni President Obama. Nakikiramay ako sa mga namatayan ng isa na namang matinding pamamaril sa US, na itinuturing na pinakamasamang insidente ng pamamaril doon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with