^

PSN Opinyon

PAL security measures

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI biro ang ipatutupad na security measures ng PAL, para sa mga eroplano nilang US-bound flights tulad ng Manila-Los Angeles, Manila-San Francisco, Manila-Honolulu, Manila-Guam at Vancouver-New York (JFK).

Sabi nga, sa pamamagitan ng karagdagan at pinalawig na check-in procedures.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pagpapatupad at paghihigpit sa seguridad ng PAL ay dahil sa  regulatory requirements ng US Department of Homeland Security para sa lahat ng flights ng mga eroplano patungong US of A.

Ika nga, mas mainam ito para mas ligtas ang mga sasakay sa PAL at makakatulog ng mahimbing hindi iyong kakaba-kaba habang nasa ere. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kaya naman ang mga pasahero ng PAL going US of A, na asahan ang kakaibang sistema ng kanilang ipinatupad na pag-check-in procedures at kinakailangan maging maaga kayo sa pagpunta ng NAIA ng 2 to 4 hours bago ang flight departure.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, humihingi nang pang-unawa ang PAL sa mga pasaherong maapektuhan  ng kanilang security measures.

Kambiyo issue, ibinasura pala ni DOTr Secretary Art Tugade, ang kahilingan ng PAL na bayaran nang hulugan sa loob ng pitong taon ang utang nitong P7 bilyon sa MIAA at CAAP para sa navigational fee.

Sabi nga, inisnab!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bukod sa isyung ito nagbigay ng ultimatum si Boss Digong na ipasasara ang kumpanya kapag hindi sila nagbayad nang utang nila sa loob ng sampung araw.

Ika nga, countdown. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang salaping P7 bilyon ay napakarami pero chicken fox este mali feed pala kay Kapitan ang perang ito.

‘Bakit hindi nagbabayad, pinatagal pa?’ tanong ng kuwagong ipokrito.

Sagot - baka makalusot.

Abangan.

Illegal gambling alive and kicking

UP to now ay patuloy pala ang pangingikil ng ‘weekly payola’ sa mga sugalan nang mga tinaguriang ‘chosen few’ kolektor na sinasabing Crame boys.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, alaws na raw kikilan dahil pinatigil na daw ang sugalan at ang madadale dito ay gugulong sa kangkungan?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang alyas Boyet ‘carabao’ ang siyang binasbasan kolektor ng pangkahalatan at ang pitsa ay iniintriga sa bulsa ng isang alyas ‘sanggol’ Marcelo pagkatapos ay saka ito ibibigay para partihin sa mga matataas ng isang alyas ‘rock gas.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang sa Metro - Manila ang koleksyon nina Boyet ‘carabao’ at ‘sanggol’ Marcelo kundi sa mga probinsiya ay tinotokhang este mali tinotokahan pala nila ang mga gambling lords.

‘Kapos ang espasyo ng Chief Kuwago.’ sabi ng kuwagong binukulan.

Abangan, mga kolektor sa Metro - Manila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with