^

PSN Opinyon

EDITORYAL -‘Maliliit na isda ang napapatay’

Pilipino Star Ngayon
 EDITORYAL -�Maliliit na isda  ang napapatay�

NOONG Miyerkules, 32 drug suspects ang napatay ng mga pulis sa Bulacan sa isinagawang one time big time operations. Ayon sa Bulacan PNP, karamihan sa mga napatay ay lumaban sa mga pulis habang isinisilbi ang warrant. Mayroong napatay dahil sa lehitimong encounter sa mga pulis. Mayroon din namang napatay na sangkot sa iba’t ibang krimen.

Ang pagkamatay ng 32 suspects ay ikinatuwa naman ni Pres. Rodrigo Duterte at kung kinakaila­ngan daw makapatay ng 32 bawat araw ay madaling mare-reduce ang problemang dinadala ng bansa sa kasalukuyan.

Tila nahamon naman ang mga pulis at kinabukasan 25 drugs suspects at criminal ang napatay sa iba’t ibang lugar sa Maynila. Lumaban ang mga drug suspects sa mga umaarestong pulis. May mga holdaper na napatay. Bukod sa mga napatay, ma­rami rin namang tulak ng droga ang naaresto.

Ang isang kahila-hilakbot sa nangyaring drug operations noong Huwebes ay nang patayin ng tatlong pulis ang isang 17-anyos na high school student sa Sta. Quiteria, Caloocan City. Ayon sa mga nakasaksi, dinampot ng tatlong pulis ang estudyanteng si Kian Llyod Delos Santos, binigyan ng baril at sinabihang tumakbo. Nang tumakbo si Kian, binaril ito ng mga pulis. Bumulagta si Kian sa isang tambakan ng basura. Ayon sa ama ni Kian, hindi drug pusher o addict ang kanyang anak. At imposible raw na may baril ang kanyang anak gaya ng sinasabi ng tatlong pulis. Nakunan naman ng CCTV ang pagdampot ng mga pulis kay Kian, taliwas sa sinasabi ng mga ito na bumunot ng baril ang estud­yante at nagpaputok. Sinibak na sa puwesto ang tatlong pulis na hindi pinangalanan. Pati ang hepe ng police community precinct ay sinibak na rin sa puwesto.

Titindi pa ang drug operations ng PNP lalo pa’t sabi ni Duterte na mas maganda kung araw-araw ay 32 ang mamamatay. Pero nakadidismaya ang nang­yayari sapagkat maliiit na drug pushers at addict ang napapatay. Sa kabila ng mga pagpatay, patu­loy naman ang pagpasok ng shabu sa bansa na dinadaan pa sa Bureau of Customs kasabwat ang mga corrupt officials.

Mga “malalaking isda” na nagpapasok ng droga naman ang itumba ng mga pulis at di lamang mga maliliit na dilis.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with