PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Bird flu

MEDYO nakababahala ang napabalitang pag-atake ng sakit na bird flu sa mga inaalagaang manok sa Pampanga. First time kasi na nagkaroon ng kumpirmadong kaso ng sakit na ito sa ating bansa.

Bagamat sinasabing wala naman daw epekto ito sa tao, malaki ang dagok nito sa industriya ng poultry sa bansa na ikinabubuhay ng marami nating kababayan. Hindi lamang mga manok ang puwedeng tamaan ng sakit kundi pati mga itik at pugo na karaniwang kabuhayan din ng iba sa ating mga kababayan sa probinsya.

Baka makaapekto rin ito sa mga fast food chains na ang specialty ay manok. Kung sa mga ordinaryong mamamayan, puwede namang bumaling sa ibang klase ng puwedeng lutuin tulad ng isda, baboy o baka.

Kung matatandaan, sa mga nakaraang taon sapul nang mauso ang bird flu, na kilala rin  sa tawag na avian flu, hindi naapektuhan ang ating mga alagang ibon kahit ito’y lumaganap sa ibang bansa. Katunayan, maraming bansa ang gustong umangkat sa atin ng mga poultry products dahil nga ligtas ito sa sakit. Kaya siniguro ng pamahalaan na gagawa ng matamang monitoring sa bird flu outbreak na kinumpirma ng Department of Agri­culture.

Ayon pa kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nagtutulungan na ang Department of Health (DOH) at ang DA upang masugpo ang pagkalat ng virus kabilang na ang pagsasagawa ng flu vaccinations at pagbibigay ng protective equipment para sa mga nagta-trabaho sa mga poultry.

Talaga namang sa ganitong situwasyon, wala ta­yong ibang maaasahan kundi ang pamahalaan na siyang tanging makagagawa ng mga hakbang para hindi lumaganap pa sa ibang panig ng bansa ang sakit na ito. Ngunit hindi nangangahulugang wala na tayong dapat gawin bilang ordinaryong mamamayan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kahit pa sinasabing walang epekto ang sakit na ito sa mga tao, siguruhin natin na ang mga manok ay lutuin nating maigi para mapatay ang ano mang mikrobyong nakakaapekto dito. Buti na ang sigurado.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: