PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nagagalit ang Diyos

Marami ang nagsasabing nagagalit daw ang Diyos

Kung kaya ang mga tao sa daigdig nauubos

Ang trahedya’t kalamidad na sa mundo’y dumadagok

Itinuring nang marami na parusa sa sinukob

 

Kung kaya sa ating bansa ang trahedya ay naganap

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nang sa kinang ng salapi ay marami ang naghangad

Kalamidad ang isa pa na sa ati’y nagpahirap

Nang sa Quezon at sa Leyte ay maraming nangautas

 

Ang Diyos ay di marunong magalit at magparusa

Pagka’t Siya’y Amang tunay na laging kumakalinga

Kaya tayo sa daigdig kadalasan ay masaya

Pagka’t tanging hangad ng Diyos tayong lahat lumigaya

 

Kaya tayo’y hindi dapat na mag-isip ng taliwas

Sa gawain at hangarin ng Diyos na lumilingap

At sa halip ang isipin kaya tayo’y nanlalagas

Sa dami ng kasalanan na sa baso’y lumiligwak

 

Mayro’n tayong kasabihan, kapag puno na ang salop

Ang sumobrang mga bigas atin itong kinakalos

Tayo na ring mga tao sa trahedya’y pumapasok

Para tayong gamugamong sa liwanag natutupok

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: