^

PSN Opinyon

Maubos kaya ang mga drug lords?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BAKIT kaya sa kabila ng matinding war on drugs, nananatili pa ring ang problema sa droga na tila lalung naglulubha? Buti pa sa “pera” kayo magtanong because “money talks.”

Sino kaya itong dalawang Metro Manila Mayor na sinabi ni NCRPO chief Oscar Albayalde na protector ng droga? Kung totoo ito, malamang kakabakaba na ang dalawang local executive na ito. Hindi sa baka arestuhin sila, kasuhan at masentensyahan, kundi baka “manlaban” sila at patayin ng mga pulis na aaresto sa kanila. Hindi pinangalanan ni Albayalde ang mga Mayor dahil minomonitor pa raw.

Kasi naman, talagang ipinakikita ng administrasyong Duterte na determinado itong lipulin ang lahat ng mga malalaking isda sa pangangalakal ng droga. Sabi ng iba, maganda ang intensyon ni Duterte, pero mali ang paraan dahil labag sa human rights.

Nauna rito, tiniyak ni Philippine National Police Chief (PNP), Director General Ronald dela Rosa na talagang iisa­isahin ang mga sinasabing “narco politicians” na nasa listahan ni Presidente Duterte. Wika nga, isusunod sa napatay na si Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog, Jr. Alam na natin ang istorya ng pagkapatay kay Parojinog kasama ang kanyang asawa at 14 na iba pa. Droga rin ang dahilan. Nanlaban daw, tulad ni Albuera Mayor Rolando Espinosa na umano’y nanlaban din kaya natigok.

Kung may bumabatikos sa Duterte administration, marami din namang kumakampi. Nakakalungkot lang na hati ang bansa sa opinyon. Ang ikinagugulat ko lang, tila hindi nasisindak ang mga drug lords. Patuloy na dumaragsa sa bansa ang imported ng shabu. Pati nga si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon ay ipit na ipit ngayon dahil sa nabuking na kargamento ng shabu sa Customs na nagkakahalaga ng P6.4 billion mula sa China.

Sa imbestigasyong isinagawa kahapon ng Mababang Kapulungan, maraming mambabatas ang nana­wagan sa pagbibitiw ni Faeldon.  Matindi ang problema ng bansa sa droga dahil tila pinipili ng mga dayuhang drug lord ang Pilipinas bilang transhipment point ng kanilang mga droga. Obvious naman ang dahilan. Maluwag tayo sa ipinapasok na mga kargamento. As I said earlier “money talks.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with