^

PSN Opinyon

Makinabang ang lahat?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ANG mga likas na kayamanan ay biyaya mula sa Diyos, na dapat pinakikinabangan nang lahat. Ito ang pahayag ni Foreign Affairs Sec. Alan Cayetano, nang tanungin tungkol sa posibleng magsama ang China at Pilipinas sa pagsaliksik ng mga likas na kayamanan na mahahango sa karagatan. Ang tanong, ganito rin ba ang pana­naw ng China? Papayag ba ang China na magsaliksik ang Pilipinas sa mga lugar na inaangkin nila? Kailan lang ay binantaan ng China ang Vietnam dahil sa ginagawang paghanap ng natural gas sa bahagi ng karagatan na inaangkin din nila. Ang banta ay kung hindi hihinto ay sasalakayin daw ng China ang mga kampo ng Vietnam na nakatayo sa Spratlys. Mukhang sineryoso ng Vietnam ang banta kaya ipinatigil ang kompanya mula Spain sa pagsaliksik, at umalis muna mula sa lugar. Ganito ba ang ibig sabihin na dapat makinabang ang lahat? Sino kaya ang diyos na tinutukoy ni Cayetano, dahil alam ko bawal ang relihiyon sa China? Baka China ang diyos?

Naghihintay na lang ng go-signal ang Department of Energy para ipagpatuloy ang pagha­hanap ng langis at natural gas sa Recto Bank. Ipinatigil ng Department of Foreign Affairs noong 2014 sa ilalim ng administrasyong Aquino ang pagsaliksik dahil sa kasong inangat sa UN Permanent Court of Arbitration hinggil sa kung sino ang may karapatan makinabang sa karagatan, bagay na inaangkin lahat ng China. Nanalo na ang bansa sa kasong ito, pero dahil iba ang direksiyon ng kasalukuyang administrasyon, tila walang halaga ang desisyon.

Kung sakaling magpatuloy na ang paghaha­nap ng langis at natural gas sa Recto Bank, magbabanta rin ba ang China sa bansa na tumigil o sasalakayin ang Kalayaan Islands, tulad ng ginawang pagbanta sa Vietnam? O ito na ang tinu­tukoy ni Pres. Rodrigo Duterte na magkakaroon ng “joint exporation” ang China at Pilipinas? Kung susundan ang Saligang Batas, kailangan gobyerno ng Pilipinas ang may lubos na kontrol sa paghanap, paglago at pakinabang sa anumang mahango na likas na kayamanan sa karagatan na sakop ng ating exclusive economic zone. At kung may kahati naman ang gobyerno, dapat mga Pilipino rin o korporasyon na mga Pilipino ang mayorya na may-ari. Saan pala papasok ang China sa mga nakasaad sa Saligang Batas? O mungkahi na lang ang Saligang Batas na hindi naman kailangang sundan, dahil hindi naman natin kayang awayin ang China?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with