^

PSN Opinyon

Ang bitay

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA kanyang ikalawang SONA, ang unang priority bill na inendorso ni Presidente Rodrigo Duterte sa Kongreso ay ang pagbabalik ng parusang kamatayan sa mga buktot na krimen lalu na yung may kinalaman sa droga.

Sa Kamara de Representante, marahil maraming susuporta sa panukala, ngunit sa Senado ay may kala­buan yata. Mabuti siguro ay gumawa ng survey ang Social Weather Station at Pulse Asia upang pulsuhan ang taumbayan kung pabor sila sa parusang kamatayan o hindi. Ang madalas kasing pulsuhan ng mga survey agencies ay ang popularidad ng mga nanunungkulang public offi­cials. Panahon na para isama sa survey ang mga kontro­bersyal na panukalang batas.

Ngunit sa sarili ko’ng palagay bilang mamamayan, at base sa mga naririnig ko sa maraming nakakausap, marami ang pabor sa bitay. Disgustado kasi ang taumbayan sa hindi masawatang paglaganap ng krimen. Pati mga musmos ay hinahalay at pinapatay. Minsan nga, kahit ako ay napapaisip na “demonyo” ang mga criminal na gumagawa ng ganyang kabuktutan. Pero kung iisipin mo naman ang korapsyon sa ating hudikatura, nakakatakot na pati yung mga inosente na napagbintangan lang ay masesentensyahan ng kamatayan.

Pero sa totoo lang, pabor ako na ang mga umuutang ng buhay nang walang habas at awa, matangi dun sa mga nagtanggol sa sarili kaya nakapatay ay dapat  pagbayarin ng sarili nilang buhay.

Ayon kay Sen. Ping Lacson, malabong makapasa sa Senado ang panukalang pagbabalik ng bitay kahit pa mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsusulong nito. Kung tutuusin, si Lacson mismo ang awtor ng death penalty bill. Pero inaamin niya na sa kasalukuyang komposisyon ng Senado ay mahirap itong makalusot.

Dapat marahil, unahin muna ang batas para repor­mahin ang hudikatura para mapuksa ang mga bayarang piskal, huwes at mahistrado. Madalas ko ngang sabihin, may tatlong Justices na dapat sibakin sa sistema. Ito’y sina Justice Delayed, Justice Denied at Justice For Sale. Kapag nasibak na ang mga tiwaling “Mahistradong” iyan, doon pa lang marahil puwedeng ikonsidera ang pagpapanumbalik ng Bitay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with