^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Hindi na kailangang magtapon ng basura

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Hindi na kailangang magtapon ng basura

LAHAT ng mga basurang nasa estero ay iniluluwa sa Manila Bay. Pati ang mga basurang itinapon ng mga iskuwater ay inaanod patungong Manila Bay. Dito rin humahantong ang mga basura ng mga karatig probinsiyang nakapaligid sa Manila Bay --- Cavite, Laguna at Bataan. Walang ibang pinupuntahan ang mga basura kundi ang kaawaawang Manila Bay.

Mas maraming basurang nakukuha sa Manila Bay pagkatapos ng unos o bagyo. Inihahampas ng higanteng alon ang mga basura at isasampa sa Roxas Boulevard. Noong nakaraang taon, ilang trak ng basura ang nakuha sa baybayin ng Roxas Boulevard makaraang iluwa ng alon mula sa Manila Bay. Sari-saring basura ang nakakalat sa Roxas Boulevard --- plastic bottle, plastic shopping bag, sirang plastic na silya, sandamukal na sachet ng kape, shampoo, lotion at toothpaste, bulok na kutson, pinagbalatan ng buko at marami pa. Namumulaklak ang Manila Bay sa dami ng basura.

Kaya nakapagtataka kung bakit kailangan pang magtapon ng basura ang mga tauhan ni Manila Mayor Joseph Estrada sa Manila Bay noong naka­raang linggo para sa kanilang clean-up drive. Nakunan ng video ang pagtatapon ng basura at sinabi mismo ng isang babae sa tv reporter na photo ops lang iyon. Ang mga basurang itinapon ay muling kukunin na kunwari ay nililinis. Mismong ang TV reporter ay hindi makapaniwala sa nasaksihan.

Hindi na kailangan pang magtapon pa ng basura sa Manila Bay para lamang may linisin dahil sandamukal naman talaga ang basura. Natural pa ang mga basurang makukuha at hindi katulad ng mga itinapon ng mga tauhan ng Manila City Hall na pawang papel lang at iba pang ginupit-gupit na bagay.

Hindi na rin kailangang lumayo o magtungo sa Manila Bay para sa clean up drive sapagkat sa mga  estero na lamang sa Maynila ay marami nang basura na nakatambak at nagiging dahilan ng pagbaha. Ang mga basura ring ito ang pinagmumulan nang maraming sakit gaya ng dengue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with