^

Police Metro

Encounter: 2 Sayyaf todas

Joy Cantos - Pang-masa
Encounter: 2 Sayyaf todas

MANILA, Philippines - Napatay ang dalawang kasapi ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) habang dalawa nilang kasama ang nasugatan nang makasagupa ang tropa ng militar na nagsasagawa ng rescue operations sa mga nalalabi pang hostage sa kagubatan ng Patikul, Sulu kamakalawa.

Batay sa ulat, bandang alas-6:25 ng umaga nang magsagawa ng rescue operations ang tropa ng Army’s 21st Infantry Battalion (IB) sa ilalim ng JTF Sulu sa Sitio Tubig Kawas, Brgy. Bungkaong, Patikul ng lalawigan at dito ay nakasagupa ang nasa 30 bandido. 

Sa nasabing bakbakan ay dalawa ang napaslang na bandido, isa rito ay narekober ang bangkay sa encounter site habang ang isa ay nabitbit ng mga kalaban.

Ang grupo ng mga bandido ay nasa ilalim ng pamumuno nina Abu Sayyaf Sub Commanders Jamiri Jawhari at Basaron Harok.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang K3 SAW machine gun, dalawang M16 rifles, dalawang M203 grenade launchers  at sari-saring mga bala.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with