^

PSN Opinyon

Kalupitan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PINUPUGUTAN na raw ng mga Maute ang mga sibilyang Kristiyano sa Marawi. Batay sa sinasabi ng ilang nakatakas mula sa mga teroristang Maute, ganun na nga ang naga­ganap. Pero ayon sa tagapagsalita ng AFP, walang kumpirmasyon sa mga pahayag ng mga nakatakas. Wala pa raw silang nakikitang mga bangkay na walang ulo. Pero sa simula pa lang ng labanan noong Mayo, ganito na ang naririnig nila mula sa mga sibilyan. Isang nakatakas na lalaki mula Mapandi ay dalawang beses daw nakatakas mula sa pagpugot ng ulo. Kinumpirma rin niya na may mga pinugutan na nga ang mga terorista. Ang target ay mga Kristiyano. Sa ayaw nating tingnan itong krisis na labanan ng Muslim at Kristiyano, ginagawa ng Maute ang lahat para ganun lumabas.

Humihina na raw ang mga Maute. Ang kanilang liderato ay nagkakagulo na raw. Problema raw sa pera, sa komunikasyon, sa bala. Sana nga. Pero ang nadiskubreng mga bala at piyesa ng baril sa loob ng relief goods na patu­ngong Marawi ay nagpapahiwatig na may suporta pa rin ang mga Maute. Hindi nga matiyak kung kasama pa ng mga natitirang Maute sa Marawi si Isnilon Hapilon, kung patay na o nakatakas na. Pero patuloy pa rin ang labanan. Patuloy pa rin ang airstrikes. Hindi pa matiyak kung kailan matatapos ang labanan.

Lahat tayo hinihintay ang balita na malaya na ang Ma­rawi. Ang ayaw nating makita ay kumpirmasyon na ma­rami na nga silang pinugutang inosenteng sibilyan. Hindi pa nga malaman ang lawak ng kalupitan na maaring ginawa ng mga terorista sa mga sibilyan, partikular mga Kristiyano, hangga’t hindi pa tuluyang malaya ang Marawi. May mga lugar na hindi pa mapasukan ng ating mga sundalo dahil sa tindi ng labanan. Pero hindi naman dapat dinadamay ang mga inosenteng sibilyan sa labanan.

Tama lang din ang gobyerno na tanggihan ang alok na palitan ng mga magulang ng mga Maute sa hawak nilang pari. Hindi dapat nakikipagnegosasyon ang gobyerno sa mga terorista. Sa totoo nga, wala dapat ibigay na kahit anong alok o kompromiso ang gobyerno sa Maute. Sila nagsimula ng gulo, kaya dapat lang tapusin na sila ng gobyerno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with