^

PSN Opinyon

‘Ang hindi nakikita ng mga dilawan…’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KUNG nakamamatay ang pintas at pagtuligsa, sa malamang hindi pa nananalo si President Rodrigo Duterte ay 10 feet below the ground na ito. Eleksiyon pa lamang noong nakaraang taon, tinadtad na siya ng mga pagtuligsa at pambabakbak ng mga alagad ng dilawan. Sila `yung mga yellowtards na maiingay noon na sour grapes ngayon at patuloy ang pambu-bully sa Presidente at mga sumusuporta sa kanya.

Tinawag na “Dutertards” ang mga taong naniniwala (kabilang na ako roon hehehe) sa kakayanan ni Pres. Digong.  Kung tutuusin, walang pinagkaiba ang mga dilawan na maihahalintulad sa kulto dahil ang mga alagad ay sunud-sunuran sa mga katangahan at kalokohan.

Sa mahigit isang taon ng Presidente sa posisyon, marami nang nangyari. Sinasabing ang katumbas ng kanyang panunungkulan ay 3 taon na ng pagtatrabaho at pamamahala. Ibig sabihin, napakarami na niyang nagawa, natrabaho at nagkaroon ng magandang resulta.

Katakut-takot na biyahe, mapa-state visit man maging sa buong Pilipinas na kahit maging upos na sigarilyo siya ay personal na iisa-isahin ang dapat niyang bisitahin. Saan ka nga ba naman nakakita ng Presidente na nauunang sumaludo kaysa sa sundalo, isa-isang binibisita ang mga sugatan (hindi pili o iilan lang) at kinakausap ang bawat pamilya nito.

Nakakita ka na ba ng pinuno ng bansa na sumasakay sa ambulansiya para dalhin sa ospital ang mga nasugatan at inaaruga ang pamilya ng mga namatayang sundalo? Mala-shock absorber sa mga namatayan, nakikidalamhati at nakikiramay and that is a leader!

Simplehan na lang natin, eh pangulong humihingi ng paumanhin, marunong tumanggap ng kaniyang pagkakamali at nagpapakumbaba sa kapangyarihan ng Korte Suprema?

Ilan lang ito sa mga bagay na hindi nakikita ng kanyang mga kritiko o nagbubulag-bulagan lang dahil tinatamaan sila at naaapektuhan ng sariling katangahan at kabobohan.

Pero bulong sa akin ng aking ibon, mayroon na sa hanay ng dilawan na uti-unti nang nabubuksan ang isipan at naniniwala na sa bawat administrayon ay may good points at bad points. Sa wakas ay unti-unti nang ginagamit ang utak at sense of analysis sa mga nangyayari, sa mga nakikita nila at sa mga resulta na ginagawa ng kinauukulan.

Meron kasi kayo diyan palibhasa cotton candy ang utak, parang mga asong ulol na atungal ng atungal. May mga nagatatapang-tapangan at tali-talinuhan tapos wala namang laman ang sinasabi sa larangan man ng ekonomiya, media o pulitika o kahit anong larangan pa.

Para sa mga hindi pa natatauhan, kung patuloy kayong titira, pipintas at pupuna sa mga pinaggagagawa ng Presidente, samahan n’yo na rin ng solusyon para makatulong kayo sa bayan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with