^

PSN Opinyon

Paging Mindoreños!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAGKAKAROON nang isang masayang sportsfeast and family day Ang The Association of Mindoreños o TAM’s sa July 02, 2017, Sunday, 8:00am to 5:00pm sa SSS multi purpose trade hall sa East Avenue, Dillman, Quezon City.

Sabi ni Atty. Biyong Garing, ang lahat ng mga opisyal at miembro ng TAM’s at mga kababayan taga-Oriental at Occidental Mindoro ay inaanyayahan dumalo nina TAMs Past President Caloy Eje, Event Chairman, TAMs President Bal Cajilig, Over All Chairman at mga Event Consultant Commissioner Tito Genilo, Chairman Emeritus Jolly Ting, Secretary Alfonso Cusi at Atty Biyong Garing.

‘Ano pa inaantay ng taga - Mindoreños punta na at magpakasaya sa inyong events!’

Richbucks Motor Works

PALDO este mali pulido pala kung gumawa ang mga tauhan sa talyer ni Kuyang Jimmy Lao, dyan sa Richbucks Motor Works sa may Pitimini St., San Francisco del Monte, Kyusi, kaya naman ang mga vehicle owners na nagpagawa todits at lumabas ng kanyang shop ay siguradong gaganahan, matutuwa at masaya dahil ang kanilang ipinasok ng tsikot ay good as brand new oras na kinuha nila.

Sabi nga, mura na, pulido pa ang pagkakagawa!

Ang mga gustong magpagawa ng sasakyan kay Kuyang Jimmy ay maaring pumunta sa address sa itaas at makipagusap ng matino dahil maayos na kausap ang owner ng shop.

Ika nga, tiyak magkakasundo ang may-ari ng sasakyan at si Kuya Jimmy oras na nagka-presyuhan sa gagawin vehicle.

‘Ano pa inaantay ninyo punta na!’

Maute group natataranta na!

MUKHANG hindi na malaman ng Maute group kung saan pa sila magtatago dahil parang daga sila ngayon sa paghahanap ng lungga upang dehins sila mapatay ng mga sundalong humahabol sa kanila.

Sabi nga, kaunting oras na lang kayo!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro makipagbakbakan ang Maute terrorists group dahil bukod sa matitindi ang kanilang armas ay sabog pa sa droga ang mga ito.

Bakit?

‘Para hindi sila makatulog kaya panay ang singhot ng shabu ng mga animal dahil oras na makalingat sila o makatulog tiyak paggising nila si Satanas ang kasama nila.’ sabi ng kuwagong manghuhula.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, wala na sa tamang pag-iisip ang mga Maute group dahil sa drogang kanilang tinitira. Hindi kasi sila puedeng matulog o magpahinga dahil ang mga sundalong humahabol sa kanila ay nasa likod nila pirmi.

‘Anong mainam para sa Maute group?’

Sagot- sumuko na lamang sila habang may oras pa kaysa madurog sila ng mga sundalo.

Abangan.

MAY mga madlang Pinoy ang nagtaasan ang kilay dahil gustong Ibalik ang Filipino subjects sa lahat ng degree programs in all colleges and universities sa Philippines my Philippines.

Ika nga, dagdag units kaya dagdag tuition fees.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas gusto nilang ibalik ang Filipino subjects sa mga colleges and universities dahil sangkaterba ng pinoy ang hirap na rin umintindi ng Filipino porke marami sa kanilang ang nahasang magsalita ng english!

Ika nga, mahalin natin ang ating sariling wika.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with