^

PSN Opinyon

BPI sa mata ng madlang depositors

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

ANG nangyaring aberya sa Bank of the Philippine Island o BPI ang naging napakalaking banta sa kanilang kredibilidad sa madlang depositors dahil sa pangyayaring systems glitch sa kanilang operation kung naging mahina lamang ang pamunuan ng bangko tiyak laglag sila.

Sabi nga, naghihingalo o sarado na!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tumayo ang dalawang paa ng BPI para ipaalam sa madlang people na matatag sila partikular sa larangan ng serbisyo na matagal nilang ginagawa at pinanindigan.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangrekwa ang madlang depositors ng BPI dahil sa kanilang mga magagalang, masisipag, mababait at makataong mga empleado.

Ika nga, hindi basta makikita sa mga empleado ang ganitong asal sa ibang bangko.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng sumabog ang issue sa kanilang system at  nagkaroon ng error hindi ito basta pinansin ng madlang depositors at naging kalma lamang sila porke malaki ang naging punto ng BPI employees dahil sa ipinakitang magandang asal  kaya naman mabilis din napawi na parang hangin ang pangamba ng mga suki nila sa bangko.

‘Gusto ko pa rin sa BPI kahit na may nangyaring error todits kaya naman hindi ako nag-panic ng mabalitaan ang insidente dahil alam ko na hindi ako pababayaan ng mga empleado ng bangko mula sa janitor pataas.’ sabi ng kuwagong pautay-utay magdeposito.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, natutuwa sila sa super bilis na abiso ng account specialist na tumawag sa mga ito para sabihin ang salaping inilipat niya sa pamamagitan ng Express Online ay intact.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ayaw magpatalo ng ibang depositors ng BPI dahil hindi sila apektado ng system error alam nilang kayang-kaya ng BPI na ayusin ang lahat ng gusot.

Ika nga, basta serbisyo BPI!

Abangan.

MMDA maagang lumusob sa West Avenue

NATARANTA ang mga may-ari ng mga sasakyan nakaparada ng wala sa lugar ng biglang lumusob ang sangrekwang tauhan ng MMDA, may kasama pang military truck at sangdamakmak na tow trucks.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa kauna-unahan pagkakataon ikinatuwa ng mga residente at mga maliliit na negosiante dito ang ginawang paghila sa ilang sasakyan nang mga abusadong may-aring nagparadang pabalagbag sa bangketa dyan sa West Avenue.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lumikha ng grabeng traffic ang nangyari sa West Avenue pero ito anila ay ok lang dahil natutong iayos ng mga balasubas na may-ari ng mga vehicles ang kanilang parada.

‘May mga na-wrecker na mga sasakyan at motorsiklo.’

Sabi nga, kariton lang at bisekleta ang hindi kinuha.Hehehe!

Ayon sa sumbong ng mga reklamador, mukhang hindi natinag ang mga mayayamang negosiante na ginawang talyer ang bangketa kaya naman ang madlang people dito ay sa kalsada na kung lumakad.

‘May mga abusado pa rin na hindi pinansin ng MMDA dahil ang mga naglalakihan bus at mga truck na ginagawa sa bangketa ay  inisnab lamang.’ sabi ng kuwagong Kamote.

Ika nga, may tinitignan at tinititigan pa rin.

‘Ginawang paradahan ng mga sirang sasakyan ang bangketa sa West Avenue pero ang mga ito ay mukhang hindi sinita ng MMDA ?’ sabi ng kuwagong pabuntot-buntot.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ma­tagal nakahimpil sa may West Avenue ang mga manghuhuli pero may ilang naka-yellow t-shirt na may tatak na MMDA na naglalakad at nauna para sabihan ang mga abusadong vehicle owners na nakaparada sa bangketa na alisin at i-ayos ang kanilang mga sasakyan dahil nagkakahulihan.

Ano ba ito?

Totoo kaya ito?

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with