^

PSN Opinyon

Krisis na rin sa evacuation centers

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISANG buwan na ang krisis sa Marawi, at wala pang linaw­ kung kailan tuluyang magiging malaya ang siyudad at makakabalik na ang mga residente. Nagiging problema na rin ang sitwasyon ng mga “bakwit”. Problema sa pagkain, tubig, sanitasyon at sakit. Ayon sa mga opisyal, 39 na ang namatay habang nasa mga evacuation center. May mga bata pa sa mga namatay. Ang pinakamalaking problema ay ang sanitasyon. Kahit saan naman, kapag hindi maayos ang sanitasyon, siguradong kasunod na ang mga peligrosong sakit. At ang mga bata ang mada­ling tamaan ng sakit sa ganitong sitwasyon.

Mahirap talaga kapag tumatagal na sa evacuation centers ang mga tao. Hindi naman talaga pangmatagalan ang evacuation centers. Inaasahan na dahil na rin sa tagal ng krisis, nawawalan na rin ng mga suplay ang mga teroristang Maute. Maliban na lang kung nakakatanggap nga sila ng tulong mula sa mga lokal na residente, na sana ay hindi totoo. Tila lumalabas na mas maganda pa ang sitwasyon ng mga terorista kaysa sa mga residente. Kung unti-unti na silang humihina tulad ng pahayag ng militar, ganundin ang mga residente na pinerwisyo nila ng lubos.

Inaasahan na tuluy-tuloy naman ang tulong sa mga apektado ng krisis sa Marawi mula sa iba’t ibang sektor. Pagkain, malinis na tubig, damit at gamot. Mga pangunahing pangangailangan ng tao. Problema rin na kung sakaling matapos na nga ang krisis sa Marawi at ligtas na ang siyudad, magsisimula pa lang ang pagsasaayos at rehabilitasyon.

Kapag naging matagumpay na ang gobyerno, mara­ming leksiyon ang matutunan. Sa totoo lang, maraming nag-akala na natuto na ang gobyerno nang matapos ang Zamboanga siege noong 2013. Pero isang siyudad muli ang nasalakay ng mga terorista. Malinaw na kailangang bantayan ang anumang armadong grupo sa bansa, lalo na kung may malaking posibilidad na napasukan na ng mga terorista. Aktibo na ang ISIS sa Southeast Asia. Kaya hindi na dapat makapagpalakas muli, sa Mindanao o kung saan man sa bansa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with