^

PSN Opinyon

Border crossing stations

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

LINGID sa kaalaman ng nakakarami, may tinatayang higit 126,000 boat trips crossing sa pagitan ng East Indonesia at Mindanao na hindi natsi-tsek ng ating otoridad. Ibig sabihin nito na malayang nakakabiyahe sa pagitan ng dalawang bansa na di dumadaan sa required cross-border check gaya ng immigration, customs, quarantine at iba.

Ang sasakyang pandagat kasi ang naging mode of transportation noon ng mga Jemaah Islamiyah terrorist group na sakop diumano ng Al-Qaeda international terrorist network.

At ang pumalit sa Al-Qaeda ay ang Islamic State in Iraq and Syria (ISIS) na sinusunod ng Maute militant group na umakmang sakupin ang Marawi City sa isang raid noong May 23. 

Kagaya ng Jemaah Islamiyah at ISIS, madaling nakakatawid ang kanilang mga armadong puwersa sa pagitan ng karagatan dahil nga hindi ito na babantayang maigi ng otoridad. 

Ito rin ang sinasakyan maging ng mga traders na nag­lalako ng kanilang paninda sa mga pinakamalapit na areas na marating nila kahit na noong unang panahon pa.

Ito kasi  ang nangyayari --- kung tutuusin may dalawang border crossing stations na nakalaan para sa joint border patrol agreement kasama ang Indonesia na may sarili ring border crossing stations nila.

Ang sa Pilipinas ay matatagpuan sa Gov. Generoso sa Davao Oriental at sa Balut Island sa Sarangani at habang ang sa Indonesia naman ay nasa mga isla ng Miangas, Maruri at Tarakan.

Dapat lahat ng bibiyahe sa border ng dalawang bansa ay dumadaan sa mga nasabing cross border stations at dun magpatatak ng kanilang passport at magpasailalim sa customs at quarantine check at kung ano pa.

Ngunit sinabi ko na nga na bihirang-bihira sa mga biyahedor na dumadaan sa nasabing cross-border stations na naging dahilan sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga lumalayag sa pagitan ng territorial waters ng Pilipinas at Indonesia na hindi dumadaan sa proseso at hindi maayos na nare-register.

Ngayon, may plano raw ang Indonesia, Malaysia at Pilipinas na magkaroon ng tripartite agreement upang higpitan ang border crossing sa mga nasabing isla sa kadulu-duluhan ng bansa at mga karatig bansa nito.

Ang tanong ay paano ito gagawin ng tatlong bansa kung patuloy na kulang sa mga naayon na sasakyang pandagat at maging kagamitan at teknolohiya ang mga nasasabing cross border stations. 

At isa pang problema na dapat ding resolbahin ay ang language barrier sa pagitan ng naval forces o dika ng coast guards ng tatlong bansa. Mabuti kung sa pagitan lang nga Indonesia at Malaysia eh sanay sila sa Bahasa Indonesia or Bahasa Malaysia language. 

Eh, paano ang Pinoy Navy at Coast Guard sa panahon ng joint patrols? Hindi sila magkakaintindihan.

Kahit paano ay umaasa pa rin tayong maiaayos na rin ang cross-border patrols at stations dito sa katimugang bahaging ng bansa. 

Kasi kung hindi, patuloy na lalaganap ang terorismong dala ng ISIS.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with