^

PSN Opinyon

Hindi naman nasusunod

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG wala nang ibang puwede pang gawin ang AFP kundi bombahin na rin ang mga mosque na ginagamit na taguan ng mga teroristang Maute. Sa tingin nila ay nawawala na ang kabanalan ng lugar dahil ginagamit na nga para sa masamang intensiyon. Sinita ng AFP ang Geneva Convention, kung saan nakasaad na hindi dapat ginagamit ng militar ang mga sagradong lugar, pati na rin mga paaralan. Marami pang nakasaad na alituntunin sa dokumentong ito, pero sa totoo lang kapag nagsimula na ang digmaan, kadalasan ay hindi na nasusunod ito. Ito nga, ginagamit ng mga terosista bilang taguan ang mga banal na lugar at ginagamit pang panangga ang mga inosenteng mamamayan. Ano ang pakialam nila sa Geneva Convention, hindi ba? Ito nga ang sinasabi kong hindi patas kung lumaban ang mga terorista.

Ilang araw na ngang hindi makausad nang husto ang AFP, dahil sa paggamit ng mga terorista ng mga mosque bilang taguan ng sniper at lagayan ng mga machine gun, na iniiwasang bombahin o kanyunin ng militar. Pero babaguhin na ng AFP ang kanilang opensiba, at gagawing target na rin ang ilang mosque. Tatlong linggo na ang lumipas nang magsimula ang krisis sa Marawi, at wala pang linaw kung kailan matatapos. Hindi na nga naglalabas ng deadline ang gobyerno. Ilang deadline na rin ang ibinigay noon na hindi rin nakayanan. Ganun pa man, tuloy ang paglaya ng Marawi mula sa mga terorista.

Hindi ko maisip kung ano ang pinagdadaanan ng mga taga-Marawi. Halos 200,000 na ang apektado sa krisis. Kung matapos man ang labanan at tuluyang madurog ang mga terorista, may mabalikan naman kaya sila? Malawak at matindi na ang danyos na natamo ng Marawi. Naglaan na ng P10 bilyon ang gobyerno para sa rehabilitasyon ng Marawi, pero hindi pa rin ito sapat para maibsan kaagad ang paghihirap na kailangan pa nilang tiisin kahit matapos na ang labanan. At ang tanong, kailan matatapos ang labanan?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with