^

PSN Opinyon

Mga payo at babala ni Justice Carpio

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HABANG naka-focus ang bansa sa mga kaganapan sa Marawi, naging mainit ang usapan sa mga isyu na bumabalot sa South China Sea. Naging mas matunog ang pagbatikos ng US at Australia sa China, na ginagamit umano ang kanilang malakas na ekonomiya para “bilhin na lang” ang mga problema at isyu sa mundo, o idaan sa paninindak ang pag-aangkin ng teritoryo sa South China Sea. Natural, hindi ikinatuwa ng China ang mga pahayag. Wala raw pakialam ang sinumang bansa sa mga problema sa rehiyon.

Hindi nga mahirap makita na ganito nga ang ginagawa ng China. Isinantabi ni Pres. Rodrigo Duterte ang pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration para maging malapit sa China, at makahingi ng pinansiyal na tulong dito. At sa isang okasyon na nag-usap ang dalawang lider ng China at Pilipinas hinggil sa mga isyu sa karagatan, nagbanta pa ng digmaan ang China kung ipipilit umano ng bansa ang mga inaang­king isla. Kaya hindi ko alam kung ano ang sinasabi ng China na nagiging maayos na ang pag-uusap ng mga bansang may isyu sa kanila, kung patuloy pa rin ang militarisasyon nila ng mga isla, at patuloy pa rin ang pagtaboy sa mga eroplano at barko, kasama na ang mga mangignisda, mula sa mga kilalang exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ilang babala na rin ang ipinahayag ni Justice Antonio Carpio hinggil sa pagiging malapit sa China, lalo na kung sa China pa magkakaroon ng malaking utang ang bansa. Ilang bilyong dolyar na nga ang ipinangako umano ng China sa bansa, para sa mga malalaking proyekto ng gobyerno. May mga ipinangako pang libreng armas at tulong-pinansyal sa kampanya ni Duterte sa iligal na droga. Paano nga naman natin maipagtatanggol ang ating teritoryo, mula sa bansa na malaki na ang utang na pera at utang na loob? Sana pakinggan ang mga payo at babala ni Carpio, na walang tigil ang pagtanggol sa mga karapatan natin sa karagatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with