^

PSN Opinyon

Namatay sa kamay ng kakampi

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SA kaguluhan at kalituhan na nagaganap sa isang digmaan, hindi malayo ang mangyari ang hindi inaasahan. Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, 11 sundalo ang namatay, dahil sa airstrikes laban sa Maute. Pito ang nasugatan. Dahil dito, binawasan na muna ang airstrikes. “Friendly fire” ang tawag diyan. Parang kabalintunaan nga. Malungkot at namatay ang mga sundalo mula sa kamay ng kakampi. Sila ang nabagsakan ng bomba sa kabila ng pahayag na mga “precision and surgical airstrikes” ang ginagawa sa Marawi, para hindi mapahamak ang mga sibilyan. 

Ang “friendly fire” ay nagaganap kahit sa pinaka-modernong hukbong sandatahan sa mundo, tulad ng US. Sa lahat ng naging digmaan sa Mideast, may mga insidente ng “friendly fire” sa panig ng Amerikano. Mga nababagsakan din ng bomba, mga natatamaan ng kanilang sari-ling kanyon, kahit napaka hi-tech na ng kagamitan ng US. Kadalasan, nagkakaroon ng maling koordinasyon sa pagitan ng mga sundalo at mga piloto. Baka mali ang naibigay na lokasyon ng target sa piloto o sa mga kanyon, o baka hindi naman nakaalis kaagad ang mga sundalo nang ibagsak na ang mga bomba. Puwedeng nagkamali rin ang piloto. Hindi naman tayo naninisi. Lahat ng ating mga sundalo mula sa apat na sangay ng AFP ay mga bayani sa kanilang mga ginawang sakripisyo sa Marawi. Iimbestigahan ang insidente, para malaman na rin kung paano maiiwasang maulit ang malungkot na kaganapan.

Nang magtungo si Pres. Rodrigo Duterte sa Russia, isa sa nais niyang magawa ay makabili ng mga modernong “smart bombs” mula sa kanila, dahil mahigpit at puro kundisyon umano ang US. Ang Russia ay handang magbenta umano nang walang kundisyon. Ang “smart bombs” ay mga bomba na eksaktong bumabagsak sa mga target na tinutukoy ng mga sundalo sa baba. Sa pamamagitan ng laser, “iniilawan” ng mga sundalo ang target. Kapag nakuha na ng bomba ang “ilaw” o laser na ito, lilipad na ito at eksaktong babagsak sa tinukoy na target. Malaki sana ang tulong ng sandatang ito sa ating mga sundalo. Mas eksakto talaga ang bagsak ng mga bomba. Sa ngayon, ang ating mga bomba at rockets ay kailangang asintahin ng piloto sa target. Wala nang kontrol ang piloto kapag pinakawalan na. Makikita na ang mga sistemang ito ay maaari talagang magkaroon ng pagkakamali. Wala pang balita kung makakabili na nga ang bansa ng “smart bombs” sa Russia. Baka naman umangal ang China kapag nakabili na tayo. Baka ayaw nilang magkaroon ang bansa ng mga sandata na maaaring magamait sa kanila, kung sakaling maging mainit na ang isyu ng teritoryo sa South China Sea.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with