^

PSN Opinyon

China tiwala sa PH, info sa droga ipinukol

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAGANDA ang naging coordination ng Chinese government at gobierno ni Boss Digong tungkol ito sa P6 billion halaga ng mga nakumpiskang shabu na itinago sa mga malaking metal printer rollers matapos itong dumating from China the other week at nakumpiska sa mga bodega d’yan sa Valenzuela City.

Sabi nga, first time in history nangyari sa China at Philippines my Philippines na ‘mag-tip’ ang mga Intsik sa kargamentong galing sa kanila.

Ika nga, iba na ang magkaibigan. Chinese at madlang Pinoy sanggang dikit sa panahon ni Boss Digong!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung hindi nakuha ang droga ng Philippines my Philippines government at kumalat ito sa iba’t ibang lugar sa ating place tiyak ngongo ang mga adik na lulong sa ipinagbabawal na gamot oras na nakasinghot na naman sila nito.

Dahil nga, high grade!

Sabi ng mga assest ng mga kuwago ng ORA MISMO, doble ang halaga ng shabu dahil ang nakuha sa bodega sa Valenzuela ay ‘high grade’ kaya kapag ito ay hinaluan ng mga druglords sa Philippines my Philippines tiyak sisibat ng todo pataas ang presyo nito sa merkado.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung hindi inilaglag ng Chinese government ang impormasyon na may mga pumasok na bulto-bultong shabu sa Philippines my Philippines tiyak daming mabibiktimang adik sa atin.

Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung paano ito nakalusot sa Bureau of Customs? Hndi ba may hi-tech x-ray machines ang bureau para makita ang mga kasukasuan lamang ng mga shipment na ipinapasok dito from abroad?

Bakit?

Anong nangyari?

‘Kung nakalusot o naitago ito sa x-ray machines sa bureau siguro panahon na para palitan ang makinang ito ng mas mataas ang antas kaysa malusutan tayo,’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

‘Ano sa palagay mo, Boss Digong?’.

Abangan.

MMDA chairman Lim gustong palusutan

SANAY sa intelligence networking si MMDA chairman Danny Lim dahil ito halos ang nakalakihan niya sa 1/3rd ng kanyang dating trabaho sa militar at maging sa Bureau of Customs dahil matapos itong magretiro sa pagka-sundalo ay naitalagang muli ito bilang Intel chief noong panahon ni GMA.

Kaya naniniwala ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi basta mapapalusutan si Danny sa kanyang puesto sa ngayon.

Sabi nga, wala pa itong bitbit sa MMDA na mga asset niya para trabahuhin ang mga kurap sa ilalim ng kanyang tanggapan.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi sila naniniwala na walang tinatanggap na salapi ang mga bugok dyan sa MMDA lalo’t sangkaterba ang illegal terminals, vendors, illegal parking at mga talyer sa bangketa na pag-aari ng mga mayayamang negosiante.

Ika nga, sa West Avenue, Kyusi may mga makikitang talyer sa bangketa.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ito ang pag-uukulan ng panahon ni Danny ang pakiramdaman ang mga kurap sa MMDA.

‘Sa ngayon ay hindi pa nag-full blast si Danny sa MMDA para hanapin ang mga kurap at pagsisipain ang mga ito,’ sabi ng kuwagong alanganin.

Ika nga, malapit ng matapos ang mga maliligayang araw ng mga Kamote.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, titiktikan ni Danny ang mga kamoteng tauhan niya sa MMDA partikular ang mga traffic enforcers dahil umabuso na ang iba sa mga ito sa pangongotong sa mga motorista.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi sila naniniwala na walang kalakaran sa kalsada lalo’t kitang-kita ang traffic sa mga kanto ng lansangan?

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with