^

PSN Opinyon

Hindi baliw ang killer (Huling bahagi)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG buwan matapos ang pataksil na pagpatay ni Lucio kay Artemio, kinasuhan siya ng murder. Sa paglilitis ay “not guilty” ang sagot ni Lucio at pagkawala sa sarili o insanity ang ginamit na depensa. Katunayan ay ibang pangalan pa nga ang kanyang isinulat sa plea. Habang lumalakad ang kaso ay lalong lumala ang sakit ni Lucio. Isinailalim siya sa panibagong psychiatric evaluation at napatunayan na mayrong schizophrenia pero hindi nga lang maintindihan ang uri.

Sa kabila ng kanyang ikinikilos, napatunayan pa rin ng hukuman na nagkasala siya sa kasong murder. Sinen­tensiyahan siya ng reclusion perpetua. Ang pali­wanag ng korte ay magagamit lang ang insanity o pagkabaliw kung nangyari ito bago ginawa o pagkatapos agad ng krimen.  Ang aktuwasyon ng akusado na dahan-dahang lumapit sa likod ni Artemio sabay unday ng taga, ang ginawa niyang pagtakas at ang pagsuko pagkatapos ng nangyari ay hindi raw indikasyon ng insanity. Sinang-ayunan ng Court of Appeals ang desisyon ng RTC. Tama ba sila?

Ayon sa Supreme Court, tama ang RTC at CA. Kaila­ngang magpakita ng malinaw at kapani-paniwalang ebi­densiya ng akusado para pumanig ang korte sa depensa niyang pagkabaliw. Kailangang patunayan na talagang wala na siya sa sariling katinuan at wala na siyang kaka­yahan na pag-isipan ang kanyang ginagawa. Sa kaso ni Lucio, ang sakit niya sa utak ay nadiskubre pitong taon bago nangyari ang krimen at lumala limang taon matapos ang pagpatay habang nililitis ang kaso.

Idagdag pa na may mga sirkumstansiyang nagpa­pa­­tunay na hindi ganap na nawala sa katinuan si Lucio. Una, ginulat niya ang biktima nang umatake siya galing sa likuran nito. Pangalawa, tumakbo siya matapos ma­saksak ang biktima na indikasyon na alam niyang mali ang kan­yang ginawa at pangatlo, kusa siyang sumuko nang du­mating ang mga pulis. Alam niya ang kanyang ginagawa bago, habang at pagkatapos ng krimen. Sinadya niya ang ginawang pagsaksak sa biktima at alam niya kung ano ang resulta ng karumal-dumal niyang ginawa. Ang mga kilos at reaksiyon niya sa nangyari ay pareho sa isang matinong tao (People of the Philippines vs. Roa, G.R. No. 225599, March 22, 2017). 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with