^

PSN Palaro

Cignal-SBC sinikwat ang titulo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Malakas na boltahe ang pinakawalan ng Cignal-San Beda nang pabagsakin nito ang Racal sa pamamagitan ng 81-78 panalo upang matamis na kamtin ang kam­peonato sa Philippine Basketball Association (PBA) D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nasandalan ng Haw­k­eyes si San Beda College standout Javee Mocon nang itarak nito ang 11 sa huling 13 puntos sa krusyal na sandali ng laro upang hatakin ang kanilang tropa sa panalo laban sa Tile Masters sa rubber match.

Kumulekta ng kabu­uang 25 puntos ang inco­ming fourth year King Lion kasama pa ang pitong rebounds, dalawang assists, isang block at isang steal.

“He picked up where he left off and he did a good job. He’s been very positive for us and today, he stepped up big for us,” ani Cignal head coach Boyet Fernandez na nakamit ang kanyang ikapitong titulo sa liga bilang coach.

Solido ang suportang ibinigay ni Jason Perkins na tumipa ng 21 puntos, limang rebounds at tatlong blocks habang nagdagdag naman si Season MVP Robert Bolick ng 14 puntos, anim na assists, apat na boards, tatlong steals at dalawang blocks para sa Hawkeyes.

Nag-ambag din si Pamboy Raymundo ng 13 puntos, pitong rebounds at dalawang assists.

“I still believe on our team work. If not for the boys, we’ll not win this one. We didn’t give up,” wika pa ni Fernandez.

Tinapos ng Hawkeyes ang best-of-three cham­pionship series tangan ang 2-1 rekord. Nagwagi rin ang Hawkeyes sa Game 1 sa iskor na 93-85 bago naitabla ng Tile Masters ang serye bunsod ng naisumite nitong 100-90 panalo sa Game 2.

Ito ang ikatlong titulo ni Bolick sa magkakaibang liga. Naging bahagi ito ng La Salle na naghari sa UAAP habang miyembro naman ito ng San Beda nang kubrahin ang titulo sa NCAA.

Nakabaon ang Cignal sa 13 puntos na pagkakalugmok, 29-42 ngunit naitabla ito ng tropa matapos pasabugin ang 13-5 run tungo sa 48-all sa pagsisimula ng second half.

Dinala pa ni Mocon sa 75-70 abante ang Hawk­­eyes may tatlong minuto pa ang nalalabi.

Ngunit hindi agad su­muko ang Tile Masters sa likod ni Jackson Corpuz para makalapit  sa 78-79 sa huling 36.3 segundo.

Agad itong binawi ni Bolick na naipasok ang kanyang dalawang free throws, 81-78, may 4.4 segundo pang natitira.

Bigo si Rey Nambatac na maisalpak ang potential game-tying three-pointer upang tuluyang ipaubaya sa Cignal ang panalo.

Nanguna si Corpuz sa panig ng Tile Masters nang magtala ito ng 24 puntos at siyam na rebounds katuwang si Joseph Gabayni na may 18 markers at siyam na boards.

vuukle comment

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with