^

Metro

Kilos na, Sr. Supt. Jemar Modequilo

K KA LANG? - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

DAPAT lang tingalain ngayon ng publiko ang pagbabago sa National Capital Region Police Office sa ilalim ni Chief Supt. Oscar Albayalde. Nitong  nagdaang  Pasko, Bagong Taon at pista ng Itim na Nazareno, naging mapayapa ang selebrasyon sa pagtutok ni Albayalde. Maliban na lamang sa Malabon City na ikinamatay ng isang 15-anyos na dalagita na tinamaan ng ligaw na bala habang nanonood ng fireworks desplay. Masuwerte si Supt. John Chua dahil nasa puwesto pa rin siya sa kabila ng banta ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na sisibakin ang hepe ng pulisya kapag may tinamaan ng ligaw na bala sa kanilang area of responsibility. Sino ba naman itong si Albayalde na pangunahan ang kautusan ni Bato para sibakin si Chua?

Bagama’t naitala ang mataas na bilang ng ligaw na bala incident sa buong kapuluan, maituturing pa rin na pinakamapayapa ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon kaysa sa mga nakalipas na mga taon. Kinumpirma ‘yan ng National Police Commission sa taumbayan. Tumaas na rin ang moral at public trust ng PNP sa ilalim ni Albayalde dahil napabilis na ang pagresponde sa mga kaganapan na tawag ng publiko. Lalong tumaas ang pagtingin sa kapulisan nitong nagdaang traslacion ng Itim na Nazareno dahil walang naitalang krimen sa kabila ng banta ng mga terorista. Tanggap naman kasi ng mga Manileños ang pagpatay ng signal ng mga communication sa Maynila habang idinadaos ang traslacion. Nabawasan ang krimen sa Metro Manila matapos na walang humpay ang pananalakay ng mga pulis sa mga pinaghihinalaang kuta ng drug offenders. Kaya saludo ako kay Albayalde dahil nakatutok siya sa mga pulis.

Maging ang Las Piñas police na pinamumunuan ni Sr. Supt. Jemar Modequillo ay itinuring na quick responder sa Metro Manila. Kung sabagay magaling naman si Modequillo. Nangingibabaw ang pagtulong sa madlang people ang nasa isip nito palagi. Iyan ang opisyal ng pulis na dapat tularan sa imahe ng PNP. Kung noon nakalipas na taon nanguna na si Modequillo sa pagpatupad ng peace and order sa buong NCRPO. Si Modequillo ang unang nagpatupad ng curfew sa mga kabataan at maging sa mga umiinom sa kalye na nakahubad ng pangitaas. Tanging siya lamang ang opisyal na nagpataw ng “push-up” sa mga lasenggo ng Las Piñas City. Ang mga kabataan na nahuhuli sa kalye pagsapit ng 10:00 ng gabi ay kanyang ipinatatawag ang mga magulang bago i-turn-over sa DSWD. Naging matahimik ang Las Piñas dahil sa walang puknat na police operations ng mga tauhan ni Modequillo.

May puna lang ako na dapat na tutukan. Sa ngayon kasi nagbabalikan na naman ang mga tambay na kabataan sa CAA at Green Valley (Pichayan) sa Manuyo Dos na inaabot ng madaling araw. Kaya kung hindi kikilos si Modequillo malamang na magbabalikan na naman ang rambolan at pagkalulong sa bisyo ng mga kabataan. Mukhang hindi kayang supilin ng kanilang mga magulang ang mga tambay na kabataan sa kalye kung kaya ginigising ko ang mga magigiting na pulis sa Las Piñas City. Muling buhayin ang patrulya ng mga pulis sa lahat ng sulok ng Las Piñas.

Kilos na Sir Modequillo, nang maipatong na ang bituin sa iyong balikat.

vuukle comment

JEMAR MODEQUILO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with