^

PSN Opinyon

Sindikato ng human trafficking sa NAIA hindi makalusot

ORAMISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

UMAALINGASAW ang baho ng mga sindikato ng ‘human trafficking’ sa NAIA kaya lahat na yata na puedeng ipalusot ay pinaggagawa  ng mga kamoteng ito pero hindi pa rin nila malinlang ang mga tauhan ni Marc Red Marinas dahil puro huli ang kanilang modus operandi sa paliparan.

Si Marinas, ang hepe ng Bureau of Immigration Port Operations Division, na bagong itinalaga ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre para bantayan ang iba’t-ibang modus sa lahat ng paliparan around the country dahil malaki ang tiwala ng huli sa una na kaya niyang banggain ang mga sindikato sa airports.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, the other week ay nasungkit ng mga tauhan ni Red ang isang bebot at kelot na nagpanggap na mag-asawa na aalis patungong Malaysia pero hindi sila nakalipad ng maamoy ang kanilang bagong operasyon ng mga taga - BI.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nang mahuli sina Mazel Collo, ng Ilocos Sur at Lucman Balindong, ng Lanao del Sur ng NAIA T3 Immigration ay kumanta ang bebot na siya ay mamamasukan bilang domestic helper sa Saudi Arabia at sinabihan magpanggap na asawa niya ang kelot na kasama niya.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inamin ni Collo na wala siyang proper employment documents tulad ng POEA at OWWA registrations, contract, PDOS at OEC. Siya raw ay pupunta sa Kuala Lumpur at pagdating dito ay lilipad patungong sa Saudi Arabia dahil ang kanyang visa ay doon na ikakabit sa kanyang passport.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagtatanong ni Marinas kay Balendong at matapos ang mga ginawang verification dito ay umamin din ito na hindi niya asawa si Collo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Collo, ay posibleng biktima ng human trafficiking at illegal recruitment. Si Balindong ay posibleng facilitator of trafficking in person at kailangan ang isang masusing imbestigasyon.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakahuli rin sina Marinas ng dalawang pasahero na may mga dalang pekeng stamps ng passport nito sa kanilang bag. Makakalusot ito kundi ito susuriin mabuti.

Ang mga nangyayari sa NAIA ay mabilis na inire-report sa kaalaman ni BI Commssioner Jaime Morente ni Marinas.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, marami pang mga kamoteng sindikato ang magbabalak magpalusot ng mga pobreng alindahaw sa mga paliparan na tiyak na mahuhuli ng grupo ni Red.

Abangan.

VP Leni itsapuera na sa Cabinet meetings

TALK of the town ang nangyaring sibakan blues sa Malacañang matapos mag-say goodbye si Vice President Leni Robredo kay Boss Digong sa gabinete nito.

Sabi nga, hindi na siya kasali sa mga meetings ng mga gabinete sa palasyo. Huhuhu!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang nangyaring sibakan blues ay binigyan ng malaking intriga ng mga kritiko ng dalawa sa Philippines my Philippines.

Si VP Leni, ang itinulak ni Boss Digong bilang housing czar sa administrasyon nito kahit na magkalaban sila sa politics.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga tsimis na pinakakalat na may destibilization plot daw laban kay Boss Digong kaya ‘getting ready’ na ang mga kalaban ng pangulo tungkol sa diumano’y pagpapatalsik sa kanya sa puesto?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang malinaw aniya ay hindi magkatugma sa pananaw ang dalawang ito dahil siguro magka-iba sila ng partihan este mali partido pala.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung ano man ang gusto pang malaman ng madlang Pinoy sa Philippines my Philippines tungkol sa nangyaring sibakan blues, sila na lamang ang maghintay ng mga ikukuento ng magkabilang panig.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with