^

Pang Movies

Jake nakasungkit agad ng award

K KA LANG? - Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tuwang-tuwa si Jake Ejercito sa natanggap na Best New Male TV Personality sa katatapos lang na 30th Star Awards For TV noong Linggo ng gabi. Sa kanyang pasasalamat ay buong ningning na inialay niya sa anak na si Ellie ang tropeo bukod sa mga taong nasa likod ng Wish I May na isang Holy Week presentation ng Eat Bulaga. Kasama niya ang ina na si Laarni Enriquez at kapatid na si Jerika sa naturang awards night. First time niyang umarte sa TV.

Sa panayam kay Laarni ay sinabi nitong mas gusto niyang manggaling sa bibig ni Andi ang tungkol sa ama ni Ellie at willing naman silang tanggapin ang bata dahil sanay sila sa bata at marami silang inaalagaang bata kahit hindi nila kadugo.

Tama lang naman na hindi nagsasalita si Jake sa isyung ito.

Dapat pauwi na si Jake ng Singapore pero mas pinili muna niyang dumalo sa Star Awards na na­ging fruitful naman at nakita namin sa binata ang galak hawak ang kanyang trophy.

Rocco enjoy na enjoy sa kulitan nila ni Sanya

Muling pumirma ng exclusive contract sa GMA ang isa sa mga hottest dramatic actors ng Kapuso Network na si Rocco Nacino. Sa kanyang post sa Instagram, ipinahayag niya ang pasasalamat sa patuloy na pagsuporta sa kanya ng GMA Network.

Samantala, masaya rin si Rocco sa natatanggap niyang pagsuporta ng fans sa tambalan nila ni Sanya Lopez bilang Danaya at Aquil. Inamin nitong nag-e-enjoy siya kapag nagkukulitan sila ni Sanya maging sa set man o sa Twitter. 

                                    

vuukle comment

JAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with