^

PM Sports

DLSU jins winakasan ang paghahari ng UST sa UAAP taekwondo competition

BAHALA SI BITAG - Pang-masa

MANILA, Philippines - Winakasan ng De La Salle University ang pagiging kampeon ng University of Santo Tomas nang agawin nila ang titulo kahapon sa poomsae championship ng UAAP Season 79 taekwondo tournament sa Blue Eagle Gym.

Nakamit ng Green Archers ang unang kampeonato ng  apat na taong event matapos magwagi ng dalawang gold, dalawa ring silver at isang bronze medal.

“Well, in the very beginning, we always have the problem with the number of players. We are fortunate that this season, we are able to get quality players,” pahayag ni De La Salle coach JP Sabido.

Nakadalawa ring gold medals ang Tigers na naghahangad sana ng ikatlong sunod nilang korona ngunit nadagdagan lamang nila ito ng dalawang bronze medals kaya naungusan sila ng Archers.

Unang nagwagi para sa La Salle ng gold medal si Rinna Babanto nang manguna sa women’s individual sa  iskor na  8.43 kung saan inungusan niya ang  Far Eastern University’ bet na si Charisse Jasmin (8.06) at University of the Philippines entry  Patricia Jubelag (7.96).

Galing naman ang isa pa nilang gold sa mixed pair nina Raphael Mella at Angelica Gaw na umiskor ng 8.66, kontra kina Fighting Maroons pair  Dustin Mella at Janna Oliva (8.59) at Growling Tigers tandem nina Jerel Dalida at Jocel Ninobla (8.53).

Nagwagi naman sina Babanto, Gaw at Hernandez ng silver medal sa women’s team event sa iskor na 8.54 na dinuplika ng kanilang male counterparts na sina Mella, Mcavyngr Alob at Benjamin Sembrano para sa ikalawa  nilang silver.

Kinumpleto ni Alob ang kanilang medal haul nang magwagi ito ng bronze sa men’s individual.

 Nakamit ng UST ang dalawang gold me-dals sa men’s individual sa pamamagitan ni Rodolfo Reyes (8.58) at sa men’s team nina Reyes, Dalida at Adrian Ang (8.64). (FML)

vuukle comment

UAAP SEASON 79

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with