^

PSN Opinyon

Patuloy ang pakikipag-ugnayan?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAY paliwanag ang dalawang eksperto sa interna­tional law kung bakit hindi si dating Pres. Noynoy Aquino ang lumagda sa kasunduang EDCA, na gus­tong suriin naman ni Pres. Rodrigo Duterte. Ayon kay Duterte, walang lagda si Aquino sa kasunduan, kaya ang tingin niya ay walang bisa, at batayan para patigilin na ang mga joint military exercises ng US at Pilipinas. Sina dating Secretary of National Defense Voltaire Gazmin at US Ambassador Philip Goldberg ang lumagda sa EDCA, na may bisang 10 taon mula 2014.

Hindi raw talaga pumipirma ang Presidente sa mga kasunduang ganito. Sapat na ang mga kinatawan o otorisadong opisyal ng pangulo ng bansa para lumagda ng kasunduan. Sa madaling salita, ang EDCA, pati na ang Visiting Forces Agreement at Mutual Defense Treaty ay legal at kailangang respetuhin at ipatupad. Kung ipawawalambisa naman ni Duterte, hindi maganda ang magiging tingin ng mundo sa Pilipinas, at sasabihing hindi tumutupad sa mga kasunduan. Pero may epekto ba ito kay Duterte?

Kailan lang ay nagpatuloy ang kanyang batikos at tuligsa sa US at European Union. Sa isang talumpati sa harap ng mga negosyante sa Makati noong Martes, sinabihan niya si Pres. Barack Obama ng Amerika ng “Go to hell!”, habang pinayuhan naman ang EU na piliin ang purgatoryo. Wala daw siyang pakialam kung tanggalin ng US ang kanilang pera sa bansa. Sa kabila naman ng mga pahayag na ito, ang economic team ni Duterte kabilang sina Socioeconomic Planning Sec. Pernia, Finance Sec. Dominguez at Budget Sec. Diokno ang magtutungo sa US ngayong Oktubre para kumbinsihin ang mga negosyante, pati na rin ang media sa US na ang kasalukuyang kampanya ni Duterte kontra iligal na droga ay sa kinalaunan mas makabubuti sa bansa, dahi magiging mas ligtas at mapayapa, para na rin sa mga negosyo.

Kung walang pakialam si Duterte kung tanggalin na ng US ang kanilang pera sa bansa, ano pala ang gagawin nina Sec. Pernia, Dominguez at Diokno sa Amerika? Bakit kukumbinsihin pa kung tila ayaw na rin ni Duterte? Hindi ba saliwat na habang nagpapa­liwanag sila sa US ay minumura naman ni Duterte si Obama at EU? Kaya ba patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan sa US ay dahil hindi naman opisyal na katayuan ng gobyerno at kay Duterte lang nanggagaling ang mga salitang ito?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with