^

PSN Opinyon

Magbakasyon ka muna, Leila

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

AKO’Y sumasang-ayon sa apela ng Gabriela sa liderato ng house committee on justice kaugnay sa nasabing sex video ni Senator Leila de Lima. Tutol din ang mga senador na kaalyado niya rito. Ayon sa kanila ito ay illegal at pambabastos sa pagkababae ng senadora. Wala na bang ibang paraan sa pagkuha ng ebidensiya laban sa senadora, para lalo siyang madiin sa mga ibinibintang sa kanya. Akalain n’yo naglabas sila ng mga bilanggo sa Bilibid na may kasong criminal at holdaper para tumestigo laban sa kanya.

Hindi ako naniniwala na ito ay “in aid of legislation” kung totoo na may karelasyon si De Lima. Ito ay isang “private affair” na hindi dapat gawing isang malaking balita o ipagkalat sa buong bansa. Ipit na ipit ang senadora sa panahong ito, napakabigat ng problemang pinapasan nya. Alam natin na hindi nakakapagpigil ng galit ang senadora, aniya handa na siya kung anuman ang gusto nilang gawin sa kanya.

Para sa akin, tama ang suhestiyon ni Duterte na kailangan ni De Lima ng bakasyon, para rin ito sa kanyang kalusugan, hindi maganda sa isang tao ang laging galit. Ang mabuting gawin ni De Lima ay manahimik na lang, huwag na siyang makipagsagupaan kay Duterte dahil kahit ano ang gawin hindi siya mananalo rito. Minsan tayo rin ang nagpapahamak sa ating mga sarili.

Itong palitan ng hindi magagandang salita nina Duterte at De Lima ay hindi magandang imahe ng ating bansa. May posibilidad na bumaba ang tingin ng mga iba’t ibang lider ng ibang bansa. Dahil wala silang tigil maglabasan ng kanilang baho. Kailangang magkaisa tayong lahat at kung hindi ay baka pagtawanan lang tayo ng buong mundo.

Alam nating lahat kayang-kaya siyang patalsikin sa puwesto ng mga kapwa senador, sapagkat nakuha na nila ang majority. Labing-anim na senador ang kumokontra sa kanya.

Mabuti pa tumahimik na siya at huwag nang makipagmatigasan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with